Mag-iwan kayo niyan sapagkat tunay na iyan ay nakasusulasok."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Kami minsan ay nasa isang paglusob saka namalo ang isang lalaking kabilang sa mga Tagalikas (Muhajirun) ng isang lalaking kabilang sa mga Tagaadya (Ansari). Kaya nagsabi ang Tagaadya: "O saklolo mga Tagaadya." Nagsabi naman ang Tagalikas: "O saklolo mga Tagalikas." Kaya nagparinig nito si Allāh sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan). Nagsabi siya: "Ano ito?" Kaya nagsabi sila: "Namalo po ang isang lalaking kabilang sa mga Tagalikas ng isang lalaking kabilang sa mga Tagaadya. Kaya nagsabi ang Tagaadya: O saklolo mga Tagaadya. Nagsabi naman ang Tagalikas: O saklolo mga Tagalikas." Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mag-iwan kayo niyan sapagkat tunay na iyan ay nakasusulasok."} Nagsabi pa si Jābir: {Ang mga Tagaadya noon nang dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay higit na marami. Pagkatapos dumami ang mga Tagalikas matapos niyan. Nagsabi naman si `Abdullāh bin Ubayy: "At ginawa nga ba nila? Sumpa man kay Allāh, talagang kung nakabalik tayo sa Madīnah ay talaga ngang magpapalisan ang pinakamakapangyarihan mula roon sa pinakakaaba-kaaba." Kaya nagsabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): "Hayaan mo ako, O Sugo ni Allāh, na tumaga sa leeg ng mapagpaimbabaw na ito." Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hayaan siya. Hindi magsasalita ang mga tao na si Muḥammad ay pumapatay ng mga Kasamahan niya."}
Explanation
Benefits
Ang pagbibigay-babala laban sa bulaang pagpapangkat-pangkat (factionalism) ang pag-iingat laban dito gaya ng pag-iingat laban sa bagay na nakasusulasok na pangit.
Ang pagsaway laban sa bawat anumang pumupukaw ng awayan at di-pagkakasundo.
Nagsabi si An-Nawawīy: Ang pagtawag niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) niyon bilang panawagan ng Panahon ng Kamangmangan ay isang pagkasuklam niya roon sapagkat iyon ay kabilang sa gawain ng Panahon ng Kamangmangan na kampihan ng mga lipi sa mga nauukol sa Mundo at mga nauugnay rito. Ang [mga tao sa] Panahon ng Kamangmangan ay nagkakamit ng mga karapatan nila sa pamamagitan ng mga tribalismo at mga lipi ngunit naghatid ang Islām ng pagpapawalang-saysay roon at pagpapasya ng mga kaso sa pamamagitan ng mga patakarang pambatas. Kaya kapag lumabag ang isang tao sa ibang tao, maghahatol ang hukom sa pagitan nilang dalawa at magpapataw siya rito ng kaukulan sa paglabag niyon ayon sa napagtibay sa mga tuntunin ng Islām.
Nagsabi si As-Sindīy: Naglinaw ito na ang pag-aadya dahil sa pagiging iyon ay kabilang sa lipi niya gaya ng gawain ng mga tao ng Panahon ng Kamangmangan ay walang-saysay. Kaya walang punto sa pananawagan ng bawat isa sa lipi niya. Hinggil naman sa pag-aadya sa katotohanan, hinihiling na kinakailangan ito sa bawat mananampalataya, maging kabilang man sa lipi niya o hindi.
Ang taglay ng mga mapagpaimbabaw na kabastusan ng dila at kapangahasan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila).
Ang taglay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na katindihan ng pagtitimpi at pagtitiis sa nakakamit niya na pamemerhuwisyo ng mga mapagpaimbabaw.
Ang pagbibigay-babala laban sa bawat gawaing may taglay na pagpapalayo ng loob ng mga tao sa pagpasok sa Islām. Dahil dito, nagpigil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpatay sa mga mapagpaimbabaw upang hindi magsabi ang mga tao na si Muḥammad ay pumapatay ng mga Kasamahan niya.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

