Walang kabilang sa mga propeta na isang propeta malibang binigyan ng tulad nito, na natiwasay sa kanya ang tao
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang kabilang sa mga propeta na isang propeta malibang binigyan ng tulad nito, na natiwasay sa kanya ang tao. Tanging ang ibinigay sa akin noon ay isang kasi na ikinasi ni Allāh sa akin. Kaya nag-aasam ako na ako ay maging pinakamarami sa kanila sa tagasunod sa Araw ng Pagbangon."}
Explanation
Benefits
Ang paglilinaw sa kadakilaan ng himala ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang paglilinaw sa kadakilaan ng katayuan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang kahigitan niya sa nalalabi sa mga propeta.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar kaugnay sa sinabing: "Tanging ang ibinigay sa akin noon ay isang kasi na ikinasi ni Allāh sa akin." Ang tinutukoy ay hindi ang paglimita ng mga himala niya rito at hindi ang pagiging siya ay hindi binigyan ng mga himala na ibinigay sa nauna sa kanya; bagkus ang tinutukoy ay ang mga pinakadakilang himala na ikinatangi niya sa iba sa kanya.
Nagsabi si An-Nawawīy: [Ang sinabing]: "Kaya nag-aasam ako na ako ay maging pinakamarami sa kanila sa tagasunod" ay isang tanda kabilang sa mga tanda ng pagkapropeta sapagkat tunay na siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpabatid nito sa panahon ng kakauntian ng mga Muslim. Pagkatapos nagmabuting-loob si Allāh (napakataas Siya), nagpatagumpay Siya sa mga Muslim, at nagpala Siya sa kanila hanggang sa nagwakas ang katayuan at lumawak ang katayuan sa mga Muslim sa nakikilalang tunguhing ito. Ukol kay Allāh ang papuri.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

