Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, walang nakaririnig hinggil sa akin na isa mula sa kalipunang ito na isang Hudyo ni isang Kristiyano, pagkatapos namatay iyon habang hindi sumampalataya sa ipinasugo sa akin, malibang iyon ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, walang nakaririnig hinggil sa akin na isa mula sa kalipunang ito na isang Hudyo ni isang Kristiyano, pagkatapos namatay iyon habang hindi sumampalataya sa ipinasugo sa akin, malibang iyon ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno."}
Explanation
Benefits
Ang sinumang tumangging sumampalataya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), hindi magpapakinabang dito ang pag-aangkin nito ng pananampalataya nito sa iba pa sa kanya kabilang sa mga propeta (ang mga basbas ni Allāh ay sumakanila sa kalahatan).
Ang sinumang hindi nakarinig hinggil sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi umabot sa kanya ang paanyaya ng Islām, siya ay mapagpapaumanhinan. Ang nauukol sa kanya sa Kabilang-buhay ay nasa kay Allāh (napakataas Siya).
Naisasakatotohanan ang pakikinabang [sa pagyakap] sa Islām, kahit pa sa kaunting sandali bago ng kamatayan at kahit pa man sa sandali ng matinding karamdaman, hanggat hindi umaabot ang kaluluwa sa lalamunan.
Ang paniniwala sa katumpakan ng relihiyon ng mga tagatangging sumampalataya – kabilang sa kanila ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano – ay kawalang-pananampalataya.
Ang pagbanggit sa Hudyo at Kristiyano sa ḥadīth ay bilang pagtawag-pansin sa sinumang iba pa sa dalawang ito. Iyon ay dahil ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano ay may kasulatan. Kaya naman kung ito ang pumapatungkol sa kanila, ang iba pa sa kanila kabilang sa sinumang walang kasulatan ay higit na marapat. Ang lahat sa kanila ay kinakailangang pumasok sa Relihiyon ng Propeta at tumalima sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

