Tunay na ang pinakamapangilag magkasala sa inyo at ang pinakamaalam sa inyo kay Allāh ay ako."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nag-utos siya sa kanila, ay nag-uutos sa kanila ng mga gawaing ayon sa nakakaya nila. Nagsabi sila: "Tunay na kami ay hindi gaya ng lagay mo, O Sugo ni Allāh. Tunay na si Allāh ay nagpatawad na sa iyo ng anumang nauna sa pagkakasala mo at anumang nahuli." Kaya nagagalit siya hanggang sa makilala ang galit sa mukha niya. Pagkatapos nagsasabi siya: "Tunay na ang pinakamapangilag magkasala sa inyo at ang pinakamaalam sa inyo kay Allāh ay ako."}
Explanation
Benefits
Ang maaayos na tao ay nararapat na hindi mag-iwan sa pagsusumikap sa gawain dala ng pagsalig sa kaayusan niya.
Ang pagpayag sa pagsasalita ng tao ng taglay niya na kainaman alinsunod sa pangangailangan doon sa sandali ng pagkatiwasay laban sa pagyayabang at pagmamalakihan.
Ang pinakamarapat sa pagsamba ay ang pagkakatamtaman at ang pamamalagi, hindi ang pagpapakalabis na humahantong sa pag-iwan.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Kapag ang tao ay umabot sa tugatog sa pagsamba at mga bunga nito, iyon ay higit na mapag-anyaya sa kanya sa pagtitiyaga rito bilang pagpapanatili sa biyaya at bilang pagpapadagdag dito sa pamamagitan ng pagpapasalamat dahil dito.
Ang pagkaisinasabatas ng pagkagalit sa sandali ng pagkasalungat ng utos na pangkapahayagan at pagtutol sa dalubhasang kuwalipikado sa pag-intindi ng kahulugan kapag nagkulang ito sa pag-intindi, bilang isang pag-uudyok sa kanya sa pagkamulat.
Ang kalumayan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya at na ang Relihiyon ay kaginhawahan at na ang Palabatasang Islāmiko ay makatotoong maluwag.
Ang katindihan ng pagkaibig na mga Kasamahan sa pagsamba at ang paghiling nila ng pagkadagdag ng kabutihan.
Ang paghinto sa anumang nilimitahan ng Tagapagbatas na determinasyon at permiso at ang paniniwala na ang paggamit ng pinakamalumanay na sumasang-ayon sa Batas ay higit na marapat kaysa sa pinakamahirap na sumasalungat sa Batas.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

