Tunay na si Allāh ay nag-obliga nga para sa kanya dahil dito ng Paraiso o nagpalaya sa kanya dahil dito mula sa Impiyerno."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May pumunta sa akin na isang dukha habang nagdadala ng dalawang babaing anak niya saka nagpakain ako sa kanya ng tatlong piraso ng datiles. Nagbigay naman siya sa bawat isa sa dalawang bata ng isang datiles at nag-angat naman siya papunta sa bibig niya ng isang datiles upang kainin ito ngunit hiningi ito ng dalawang babaing anak niya kaya hinati niya ang datiles — na kanina ay ninanais niyang kainin — sa dalawang bata. Kaya nagpamangha sa akin ang inasal niya saka binanggit ko ang ginawa niya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: "Tunay na si Allāh ay nag-obliga nga para sa kanya dahil dito ng Paraiso o nagpalaya sa kanya dahil dito mula sa Impiyerno."}
Explanation
Benefits
Ang katindihan ng awa ng mga ina sa mga anak at ang takot nila sa pagkapariwara ng mga ito.
Ang kainaman ng altruismo sa tao, ang pagkaawa sa mga nakababata, at ang pagdagdag ng kagandahang-loob at kabaitan sa mga anak na babae, at na iyon ay isang kadahilanan para sa pagpasok sa Paraiso at pagkalaya mula sa Impiyerno.
Ang kaunti ay hindi nakapipigil sa pagkakawanggawa nito dahil sa pagkahamak nito; bagkus nararapat sa tagapagkawanggawa na magkawanggawa siya ng naisaposible para sa kanya, kumaunti man ito o dumami man ito.
Nasaad dito ang lagay noon ng mga bahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at kung papaano noon ang pamumuhay niya at ng mag-anak niya habang wala sa bahay nila ang makakain maliban sa isang pirasong datiles o tatlong pirasong datiles.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

