Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan at huwag kayong gumawa sa libingan ko bilang pistahan. Dumalangin kayo ng basbas sa akin sapagkat tunay na ang pagdalangin ninyo ng basbas ay umaabot sa akin saan man kayo naroon."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan at huwag kayong gumawa sa libingan ko bilang pistahan. Dumalangin kayo ng basbas sa akin sapagkat tunay na ang pagdalangin ninyo ng basbas ay umaabot sa akin saan man kayo naroon."}
Explanation
Benefits
Ang pagpigil sa paglalakbay para sa pagdalaw sa libingan ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) dahil siya ay nag-utos ng pagdalangin kay Allāh ng basbas sa kanya at nagpabatid siya na ito ay umaabot sa kanya. Inihahanda lamang ang paglalakbay para sa pagsasadya sa masjid at pagdarasal doon.
Ang pagbabawal sa paggawa sa pagdalaw sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang pistahan sa pamamagitan ng pag-uulit-ulit ng pagdalaw roon sa isang paraang itinalaga sa isang panahong itinalaga at gayon din sa pagdalaw sa bawat libingan.
Ang karangalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Panginoon niya ay dahil sa pagkaisinasabatas ng pagdalangin ng basbas at pangangalaga para sa kanya sa bawat panahon at lugar.
Ito ay yayamang ang pagsaway laban sa pagdarasal sa tabi ng mga libingan ay napagtibay na sa ganang mga Kasamahan. Dahil dito, sinaway ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na gawin ang mga bahay tulad ng mga libingan na hindi pinagdarasalan.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

