Magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, sasaksi ako para sa iyo sa pamamagitan niyan sa Araw ng Pagbangon
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tiyuhin niya: "Magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, sasaksi ako para sa iyo sa pamamagitan niyan sa Araw ng Pagbangon." Nagsabi ito: "Kung sakaling hindi mamintas sa akin ang Quraysh, na magsasabi: 'Nagtulak lamang sa kanya roon ang pagkaligalig,' ay talagang magpapagalak ako sa pamamagitan niyan sa mata mo." Kaya nagpababa si Allāh (Qur'ān 28:56): {Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya.}
Explanation
Benefits
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagmamay-ari lamang ng kapatnubayan ng pagtuturo at paggabay hindi ng kapatnubayan ng pagtutuon.
Ang pagkaisinasabatas ng pagdalaw sa maysakit na tagatangging sumampalataya para sa pag-anyaya sa kanya tungo sa Islām.
Ang pagsisigasig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-aanyaya tungo kay Allāh (napakataas Siya) sa lahat ng mga kalagayan.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

