{May magdadala sa kamatayan gaya sa anyo ng isang puti't itim na lalaking tupa
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {May magdadala sa kamatayan gaya sa anyo ng isang puti't itim na lalaking tupa saka may mananawagang isang tagapanawagan: "O mga maninirahan sa Paraiso," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Pagkatapos mananawagan ito: "O mga maninirahan sa Impiyerno," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Saka kakatayin iyon, pagkatapos magsasabi ito: "O mga maninirahan sa Paraiso, pananatili [sa Paraiso] sapagkat wala nang kamatayan. O mga maninirahan sa Impiyerno, pananatili [sa Impiyerno] sapagkat wala nang kamatayan." Pagkatapos bumigkas siya: "Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Panghihinayang kapag napagpasyahan ang usapin habang sila ay nasa isang pagkalingat, ..." (Qur'ān 19:39) Ang mga ito, habang nasa isang pagkalingat, ay ang mga naninirahan sa Mundo: "sila ay hindi sumasampalataya." (Qur'ān 19:39)}
Explanation
Benefits
Ang matinding pagbibigay-babala laban sa hilakbot sa Araw ng Pagbangon at na ito ay araw ng panghihinayang at pagsisisi.
Ang paglilinaw sa pamamalagi ng galak ng mga maninirahan sa Paraiso at pamamalagi ng lungkot ng mga maninirahan sa Impiyerno.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

