{Noong nilikha ni Allāh ang Paraiso at ang Impiyerno, isinugo Niya si [Anghel] Gabriel (sumakanya ang pangangalaga)
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya), ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Noong nilikha ni Allāh ang Paraiso at ang Impiyerno, isinugo Niya si [Anghel] Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) sa Paraiso saka nagsabi Siya: "Tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya naman tumingin ito roon saka bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang makaririnig hinggil doon na isa man malibang papasok doon." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga pahirap saka nagsabi Siya: "Pumunta ka roon saka tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran na ng mga pahirap saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makapasok doon na isa man." Nagsabi Siya: "Pumunta ka saka tumingin ka sa Impiyerno at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano pumapatong ang isa sa bahagi [ng apoy] niyon sa isa pang bahagi kaya bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang papasok doon na isa man." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga ninanasa saka nagsabi Siya: "Bumalik ka roon saka tumingin ka roon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran ng mga ninanasa kaya bumalik ito at nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makaligtas mula roon na isa man malibang papasok doon."}
Explanation
Benefits
Ang pagkakinakailangan ng pananampalataya sa nakalingid at sa bawat inihatid tungkol kay Allāh at sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan).
Ang kahalagahan ng pagtitiis sa mga pahirap dahil ang mga ito ay ang landas na nagpaparating sa Paraiso.
Ang pag-iwas sa mga ipinagbabawal dahil ang mga ito ay ang landas na nagpaparating sa Impiyerno.
Ang paggawa sa Paraiso na binabalot ng mga pahirap at sa Impiyerno na binabalot ng mga ninanasa. Ito ang hinihiling ng pagsubok at pagsusulit sa buhay sa Mundo.
Ang daan ng Paraiso ay mahirap at nagpapahirap at nangangailangan ng pagtitiis at pagpapakasakit kasama ng pananampalataya. Ang daan ng Impiyerno ay pinuno ng minamasarap at mga ninanasa sa Mundo.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

