Ang pananampalataya ay higit sa pitumpung – o higit sa animnapung – sangay. Ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsabi na walang Diyos kundi si Allāh at ang pinakamababa sa mga ito ay ang pag-aalis ng perhuwisyo palayo sa daan
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pananampalataya ay higit sa pitumpung – o higit sa animnapung – sangay. Ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsabi na walang Diyos kundi si Allāh at ang pinakamababa sa mga ito ay ang pag-aalis ng perhuwisyo palayo sa daan. Ang pagkahiya ay isang sangay ng pananampalataya."}
Explanation
na ang pinakamataas sa mga kakanyahan ng pananampalataya at ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsabi na walang Diyos kundi si Allāh, habang nakaaalam sa kahulugan nito, habang gumagawa sa hinihiling nito, na si Allāh ay ang Diyos na Nag-iisa, na Kaisa-isa, na karapat-dapat sa pagsamba, tanging Siya: bukod sa iba pa sa Kanya;
at na ang pinakakaunti sa mga gawain ng pananampalataya ay ang pag-aalis ng anumang nakapeperhuwisyo sa mga tao sa mga daanan nila.
Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagkahiya ay kabilang sa mga kakanyahan ng pananampalataya. Ito ay isang kaasalang pumupukaw sa paggawa ng marikit at pagwaksi ng pangit.
Benefits
Ang pananampalataya ay salita, gawa, at paniniwala.
Ang pagkahiya kay Allāh (napakataas Siya) ay nangangailangan na hindi Siya makakita sa iyo kung saan sumaway Siya sa iyo at na hindi Siya umalpas sa iyo kung saan nag-utos Siya sa iyo.
Ang pagbanggit ng bilang ay hindi nangangahulugan ng paglilimita rito; bagkus nagpapahiwatig ito sa dami ng mga gawain ng pananampalataya sapagkat tunay na ang mga Arabe ay maaaring bumanggit para sa anuman ng isang bilang habang hindi naman nagnanais ng pagkakaila ng iba pa roon.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

