Walang anumang propeta na ipinadala ni Allāh sa isang kalipunan bago ko malibang nagkaroon siya mula sa kalipunan niya ng mga disipulo at mga kasamahan na humahawak sa sunnah niya at tumutulad sa utos niya
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang anumang propeta na ipinadala ni Allāh sa isang kalipunan bago ko malibang nagkaroon siya mula sa kalipunan niya ng mga disipulo at mga kasamahan na humahawak sa sunnah niya at tumutulad sa utos niya. Pagkatapos tunay na [ang kalipunang] ito ay hinahalilihan matapos na ng mga ito ng mga kahalili na nagsasabi ng hindi nila ginagawa at gumagawa ng hindi ipinag-uutos sa kanila. Kaya ang sinumang nakibaka sa kanila sa pamamagitan ng kamay niya, siya ay isang mananampalataya; ang sinumang nakibaka sa kanila sa pamamagitan ng dila niya, siya ay isang mananampalataya; at ang sinumang nakibaka sa kanila sa pamamagitan ng puso niya, siya ay isang mananampalataya. Wala na bukod para riyan na anumang pananampalataya na [singlaki ng] isang buto ng mustasa."}
Explanation
Benefits
Ang hindi pagmamasama ng puso sa nakasasama ay isang patunay sa kahinaan ng pananampalataya o pagkaalis nito.
Ang pagpapadali ni Allāh (zt) para sa mga propeta ng sinumang magdadala ng mensahe nila matapos na nila.
Ang sinumang nagnais ng kaligtasan, manatili siya sa pagsunod sa metodolohiya ng mga propeta dahil ang bawat daan bukod pa sa daan nila ay kasawian at kalisyaan.
Kapagka nalayo ang panahon mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila), iniiwan ng mga tao ang mga sunnah, sinusunod nila ang mga pithaya, at pinauuso nila ang mga bid`ah.
Ang paglilinaw sa mga antas ng pakikibaka at na ito ay sa pamamagitan ng kamay para sa mga nakakakaya sa pagpapaiba gaya ng mga nakatalaga sa mga tungkulin, mga tagapamahala, at mga pinuno; sa pamamagitan ng pagsasabi sa pamamagitan ng paglilinaw sa katotohanan at pag-aanyaya tungo rito; at sa pamamagitan ng puso sa pamamagitan ng pagmasama sa nakasasama at hindi pag-ibig dito o pagkalugod dito.
Ang pagkakinakailangan ng pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

