May dalawang biyaya na nagulangan sa dalawang ito ang marami sa mga tao: ang kalusugan at ang kawalang-gawain."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May dalawang biyaya na nagulangan sa dalawang ito ang marami sa mga tao: ang kalusugan at ang kawalang-gawain."}
Explanation
Benefits
Nagsabi si Ibnu Al-Khāzin: Ang biyaya ay ang tinatamasa ng tao at minamasarap niya. Ang pagkagulang ay na bumili kapalit ng limpak-limpak na halaga o magtinda nang mababa sa presyo ng pagkabili. Kaya ang sinumang lumusog ang katawan, nagpakaabala sa mga mabigat na trabaho, at hindi nagpunyagi para sa kaayusan niya sa Kabilang-buhay niya, siya ay gaya ng nagulangan sa pagtitinda.
Ang sigasig sa pagbenepisyo sa kalusugan at kawalang-gawain para sa pagpapakalapit-loob kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at paggawa ng mga kabutihan bago ng pagkaalpas ng dalawang ito.
Ang pagpapasalamat sa mga biyaya ni Allāh ay sa pamamagitan ng paggamit nito sa pagtalima kay Allāh (napakataas Siya).
Nagsabi sina Al-Qādī at Abū Bakr bin Al-`Arabīy: Nagkaiba-iba hinggil sa una sa biyaya ni Allāh sa tao sapagkat sinabing ang pananampalataya, sinabing ang buhay, at sinabing ang kalusugan. Ang una ay ang higit na marapat sapagkat tunay na ito ay biyayang lubus-lubusan. Hinggil naman sa buhay at kalusugan, tunay na ang dalawang ito ay biyayang pangmundo at hindi magiging tunay na biyaya malibang kapag sumama sa pananampalataya. Sa sandaling iyon nagugulangan dito ang marami sa mga tao. Ibig sabihin: naaalis ang tubo nila o nababawasan ito. Kaya ang sinumang nagkunsinti sa sarili niyang namamalaging palautos ng kasagwaan sa kaginhawahan kaya nagwaksi sa pangangalaga sa mga hangganan at pagtitiyaga sa pagtalima, nagulangan nga siya. Gayundin kapag walang-gawain sapagkat ang abala ay maaaring magkaroon ng isang maidadahilan, na kasalungatan ng walang-gawain sapagkat tunay na maglalaho sa kanya ang maidadahilan at mailalatag sa kanya ang katwiran.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

