Huwag kayong magpasimula sa mga Hudyo at mga Kristiyano ng pagbati; kaya kapag nakatagpo kayo ng isa sa kanila sa daan, mamilit kayo sa kanya tungo sa pinakamasikip nito."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Huwag kayong magpasimula sa mga Hudyo at mga Kristiyano ng pagbati; kaya kapag nakatagpo kayo ng isa sa kanila sa daan, mamilit kayo sa kanya tungo sa pinakamasikip nito."}
Explanation
Benefits
Pinapayagan ang pagganti ng pagbati ng kapayapaan sa kanila kung sila ay nagpasimula ng pagbati ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Wa-`alaykum (At sumainyo)."
Hindi pinapayagan sa Muslim na manadya sa pagperhuwisyo sa tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng pagpapasikip dito nang sadyaan nang walang isang tagapag-obliga upang mapilitan ito papunta sa pinakamasikip na bahagi ng daan; subalit kung ang daan ay masikip o puno, ang Muslim ay higit na karapat-dapat doon at ang tagatangging sumampalataya ay magpapakagilid palayo sa kanya.
Ang paglalantad ng dangal ng Muslim at pagkahamak ng iba nang walang kawalang-katarungan o kabastusan sa pananalita.
Ang pagpapasikip sa mga tagatangging sumampalataya ay dahilan sa taglay nila na kawalang-pananampalataya kay Allāh (napakataas Siya). Iyon ay maaaring maging isang kadahilanan sa pag-anib nila sa Islām para maligtas sila mula sa Impiyerno kapag nagsanhi sa kanila iyon sa pag-alam sa kadahilanan.
Walang masama na magsabi ang Muslim sa tagatangging sumampalataya bilang pagpapasimula: "Kumusta ka" o "Magandang umaga" o "Magandang gabi" at tulad niyon kapag nanawagan ang pangangailangan doon dahil ang pagsaway ay pumapatungkol sa pagbati ng kapayapaan.
Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Ang napiling opinyon ay na ang tagagawa ng bid`ah ay hindi sisimulan ng pagbati ng kapayapaan. Kung sakaling bumati sa sinumang hindi nakikilala saka lumitaw na isang dhimmīy o isang tagagawa ng bid`ah pala, magsasabi: "Bumabawi ako ng pagbati ko ng kapayapaan" bilang paghamak sa kanya.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

