Magiging tagapagbantay ako ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw na ito,Dumating si Abu Bakar-at itinulak niya ang pintuan,Sinabi ko: Sino iyan: Nagsabi siya: Si Abu Bakar,Sinabi kong: Maghintay ka,Pagkatapos ay pumunta ako [sa Propeta] sinabi ko:O Sugo ni Allah! Andito si Abu Bakar,nagpapaalam [na pumasok], Nagsabi siya:((Pahintulutan mo siya at iparating mo sa kanya [ang magandang balita] na siya ay mananahanan sa Paraiso))
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya- siya ay nagsagawa ng Wudhu sa bahay niya,at sinabi niyang:Tunay na hahanapin ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at makakasama ako sa kanya sa araw kong ito,Dumating siya sa Masjid at ipinagtanong niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sinabi nilang;pumunta siya doon,Nagsabi siya:Lumabas ako upang hanappin siya,at ipinagtanong ko siya,Hanggang sa nakapasok ako sa Balon ng Aris.Umupo ako sa may pintuan nito hanggang sa pumunta ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa palikuran at nagsagawa ng Wudhu,Lumapit ako sa kanya,ngunit siya ay umupo sa balon ng Aris at gumitna siya sa gilid ng balon.at itinaas nito ang suot sa binti niya at isinandal niya ito sa balon,Bumati ako sa kanya,pagkatapos ay umalis din ako,umupo ako sa may pintuan,at sinabi kong:magiging tagapagbantay ako ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw na ito,Dumating si Abu Bakar-at itinulak niya ang pintuan,Sinabi ko: Sino iyan: Nagsabi siya: Si Abu Bakar,Sinabi kong: Maghintay ka,Pagkatapos ay pumunta ako [sa Propeta] sinabi ko:O Sugo ni Allah! Andito si Abu Bakar,nagpapaalam [na pumasok], Nagsabi siya:((Pahintulutan mo siya at iparating mo sa kanya [ang magandang balita] na siya ay mananahanan sa Paraiso)) Lumapit ako hanggang sa sinabi ko kay Abu Bakar:Pumasok ka;At ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ipinaparating sa iyo [ang magandang balita] na ikaw ay mananahanan sa Paraiso,Pumasok si Abu Bakar,at umupo siya sa bandang kanan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kasama niya sa may gilid ng balon,At isinandal niya ang mga paa niya sa balon tulad ng ginawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at itinaas nito ang suot sa mga binti niya,Pagkatapos ay bumalik ako at umupo.at iniwan ko ang kapatid ko na nagsasagawa ng Wudhu at sasalubungin niya ako,Sinabi ko:Kapag ninais ni Allah kay pulano-tinutukoy nito ang kapatid niya-ang kabutihan,darating ito sa kanya.Kung-kaya`t isang tao ang nagpapagalaw sa pintuan,sinabi ko: Sino iyan?Nagsabi siya: Si `Umar bin Al-Khattab,Sinabi ko:Maghintay ka,Pagkatapos ay dumating ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Bumati ako sa kanya at sinabi kong;Andito si `Umar bin Al-Khattab,nagpapa-alam [na pumasok],Nagsabi siya:((Pahintulutan mo siya at iparating mo sa kanya[ang magandang balita] na siya ay mananahanan sa Paraiso)),Dumating ako kay `Umar,at sinabi kong:Pumayag siya at ipinaparating sa iyo ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- [ang magandang balita] na ikaw ay mananahanan sa Paraiso,Pumasok siya at umupo siya kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa gilid ng balon,sa may bandang kaliwa,at isinandal niya ang mga binti niya sa balon,Pagkatapos ay bumalik ako at umupo,Sinabi kong:Kapag ninais ni Allah kay pulano-tinutukoy nito ang kapatid niya-ang kabutihan,darating ito sa kanya,Pagkatapos ay dumating ang isang tao at pinapagalaw ang pintuan,Sinabi kong: Sino iyan?Nagsabi siya: `Uthman bin `Affan;Sinabi kong: Maghintay ka,Dumating ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At sinabi ko ito sa kanya,Nagsabi siya:((Pahintulutan mo siya at iparating mo sa kanya[ang magandang balita] na siya ay mananahanan sa Paraiso,kasama ang mga pagsubok na darating sa kanya)) Dumating ako [Kay `uthman bin `Affan] at sinabi kong: Pumasok ka,at ipinaparating sa iyo ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- [ang magandang balita] na ikaw ay mananahanan sa Paraiso kasama ang mga pagsubok na darating sa iyo,Pumasok siya,at nakita niyang puno na ang gilid ng balon,umupo siya sa harapan nila sa ibang gilid,Nagsabi si Said bin Al-Musayyeb,Binigyan ko ito ng kahulugan sa [kalagayaan] ng libingan nila. At idinagdag niya sa salaysay:At ipinag-utos sa akin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na bantayan ang pintuan.At napapaloob rito:Na si `Uthman,nang iparating sa kanya ang magandang balita [ na siya ay mananahanan sa Paraiso],Pinuri niya si Allah-Pagkataas-yaas Niya,Pagkatapos ay sinabi niyang:Tanging si Allah ay nahihingian ng tulong.
Explanation
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

