Kung sakaling nagkaroon ang anak ni Adan ng dalawang lambak ng yaman, talaga sanang naghangad siya ng ikatlong lambak
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kung sakaling nagkaroon ang anak ni Adan ng dalawang lambak ng yaman, talaga sanang naghangad siya ng ikatlong lambak. Hindi nakapupuno sa sikmura ng anak ni Adan kundi ang alabok. Tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob."}
Explanation
Benefits
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nasaad dito ang pagsisigasig sa buhay sa Mundo, ang pag-ibig sa pakikipagmaramihan dito, at ang pagkaibig nito.
Tumatanggap si Allāh (napakataas Siya) ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob mula sa mga katangiang kapula-pula.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang ḥadīth ay lumabas sa hatol sa nakararami sa mga anak ni Adan hinggil sa sigasig sa mundo. Sumusuporta rito ang sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob."
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

