Inilahad sa akin ang Paraiso at ang Impiyerno kaya hindi ako nakakita gaya ng araw na iyon sa kabutihan at kasamaan. Kung sakaling nakaaalam kayo ng nalalaman ko, talaga sanang tumawa kayo nang kaunti at talaga sanang umiyak kayo nang marami
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May nakaabot sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) buhat sa mga Kasamahan niya na isang bagay kaya nagtalumpati siya saka nagsabi siya: "Inilahad sa akin ang Paraiso at ang Impiyerno kaya hindi ako nakakita gaya ng araw na iyon sa kabutihan at kasamaan. Kung sakaling nakaaalam kayo ng nalalaman ko, talaga sanang tumawa kayo nang kaunti at talaga sanang umiyak kayo nang marami."} Sinabi: {Kaya walang dumating sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang araw na higit na matindi kaysa roon.} Sinabi: {Nagtakip sila ng mga ulo nila at mayroon silang humal.[5]} Sinabi: {Kaya tumindig si `Umar saka nagsabi: "Nalugod kami kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Propeta."} Sinabi: {Kaya tumayo naman ang lalaking iyan saka nagsabi: "Sino ang ama ko?" Nagsabi siya: "Ang ama mo ay si Polano." Kaya bumaba [ang talatang] (Qur'ān 5:101): {O mga sumampalataya, huwag kayong magtanong tungkol sa mga bagay na kung ihahayag ang mga ito sa inyo ay magpapasama ng loob sa inyo ang mga ito.}}
Explanation
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang ama mo ay si Polano." Kaya bumaba [ang talata]: {O mga sumampalataya, huwag kayong magtanong tungkol sa mga bagay na kung ihahayag ang mga ito sa inyo ay magpapasama ng loob sa inyo ang mga ito.} (Qur'ān 5:101)
Benefits
Ang pagkaapekto ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa pangaral at ang tindi ng pangamba nila sa parusa ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagtatakip ng mukha sa sandali ng pag-iyak.
Nagsabi si Al-Khaṭṭābīy: Ang ḥadīth na ito ay kaugnay sa sinumang nagtanong dala ng pagkukunwari o pagmamatigas sa anumang walang pangangailangan doon sa kanya. Hinggil naman sa nagtanong sa isang usapin dahil sa pagkaganap sa kanya ng isang usapin kaya nagtanong siya tungkol dito, walang kasalanan sa kanya at walang paninisi.
Ang paghimok sa pagpapakatuwid sa pagtalima kay Allāh, paglayo sa mga pagsuway kay Allāh, at ang pagtigil sa mga hangganan ni Allāh.
Nasaad dito ang pagpayag sa pagkagalit sa sandali ng pangangaral at pagtuturo.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

