Ito ay isang batong itinapon sa Impiyerno magmula ng pitumpung taon. Ito ay lumalagpak sa Impiyerno ngayon hanggang sa nagwakas ito sa kalaliman niyon."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami noon ay kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nakarinig siya ng isang lagapak. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nakaaalam ba kayo kung ano ito?" Nagsabi kami: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Nagsabi siya: "Ito ay isang batong itinapon sa Impiyerno magmula ng pitumpung taon. Ito ay lumalagpak sa Impiyerno ngayon hanggang sa nagwakas ito sa kalaliman niyon."}
Explanation
Nagsabi sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang tunog na ito na narinig ninyo ay talagang isang batong itinapon mula sa gilid ng Impiyerno magmula ng pitumpung taon saka ito ay lumalagapak at bumabagsak doon, hanggang sa nagwakas ito sa kailaliman niyon ngayon nang narinig ninyo ang tunog."
Benefits
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsandal ng kaalaman kay Allāh (napakataas Siya) kaugnay sa anumang walang kaalaman ang tao rito.
Ang pagpukaw ng tagapagturo sa pagpapahalaga at pagpansin bago ng paglilinaw upang ito ay maging higit na mapag-anyaya sa pagpapaintindi.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

