{Nagtagubilin sa akin ang kaibigang matalik ko (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng tatlo: pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, dalawang rak`ah ng [ṣalāh na] ḍuḥā, at na magsagawa ako ng [ṣalāh na] witr bago ako matulog.}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtagubilin sa akin ang kaibigang matalik ko (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng tatlo: pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, dalawang rak`ah ng [ṣalāh na] ḍuḥā, at na magsagawa ako ng [ṣalāh na] witr bago ako matulog.}
Explanation
1. Pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan.
2. Dalawang rak`ah ng [ṣalāh na] ḍuḥā bawat araw.
3. Pagsasagawa ng [ṣalāh na] witr bago matulog at iyon ay ukol sa sinumang nangangamba na hindi magising sa huling bahagi ng gabi.
Benefits
Nagsabi si Ibnu Ḥajar Al-`Asqalānīy kaugnay sa sabi nito na "pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan," na ang lumilitaw ay na ang tinutukoy sa mga ito ay ang mga puting araw: ang araw ng ika-13, ika-14, at ika-15 ng buwang hijrah.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar Al-`Asqalānīy: Nasaad dito ang pagsasakaibig-ibig ng pag-uuna ng ṣalāh na witr sa pagtulog. Iyon ay sa panig ng sinumang hindi nagtitiwala na magising.
Ang kahalagahan ng tatlong gawaing ito dahil ng tagubilin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga ito sa isang bilang ng mga Kasamahan niya.
Nagsabi si Ibnu Daqīq Al-`Īd kaugnay sa sabi nito na "dalawang rak`ah ng [ṣalāh na] ḍuḥā": Marahil siya ay bumanggit ng pinakakaunti na naroroon ang pagbibigay-diin sa paggawa niyon. Dito ay may isang katunayan sa pagsasakaibig-ibig sa ṣalāh na ḍuḥā at na ang pinakakaunti nito ay dalawang rak`ah.
Ang oras ng ṣalāh na ḍuḥā ay mga 15 minuto mula sa pagkasikat ng araw. Umaabot ang oras nito hanggang sa mga 10 minuto bago magtanghali. Ang bilang nito ay dalawang rak`ah ang pinakakaunti. Nagkaiba-iba hinggil sa pinakamarami nito sapagkat may sinabing 8 rak`ah at may sinabi ring walang hangganan sa pinakamarami nito.
Ang oras ng ṣalāh na witr ay mula sa matapos ng ṣalāh na `ishā’ hanggang sa pagsapit ng madaling-araw. Ang pinakakaunti nito ay isang rak`ah at ang pinakamarami nito ay 11 rak`ah.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options

