Ang sinumang nag-ayuno ng isang araw sa landas ni Allāh, magpapalayo si Allāh sa mukha niya sa Impiyerno ng pitumpung taglagas."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nag-ayuno ng isang araw sa landas ni Allāh, magpapalayo si Allāh sa mukha niya sa Impiyerno ng pitumpung taglagas."}
Explanation
Benefits
Ang paghimok at ang pagpapaibig sa pag-aayuno ng pagkukusang-loob.
Ang pagkakinakailangan ng pagpapakawagas at paghahangad ng kaluguran ni Allāh. Hindi mag-aayuno dala ng pagpapakitang-tao ni ng pagtamo ng isang reputasyon ni para sa mga iba pang pinapakay.
Nagsabi si As-Sindīy: Ang sabi niyang "sa landas ni Allāh" ay nagsasaposibilidad na ang tinutukoy ay ang payak ng pagsasaayos ng layunin at nagsasaposibilidad na ang tinutukoy dito ay na siya ay nag-ayuno sa kalagayan ng pagiging siya ay isang mandirigma. Ang ikalawang kahulugan ay ang kaagad sumasagi sa isip.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Ang sabi niyang "pitumpung taglagas" ay tumutukoy sa taglagas, na isang kilalang panahon sa taon. Ang tinutukoy rito ay ang taon. Ang pagtatangi sa taglagas sa pagbanggit bukod sa natitira sa mga panahon (season) – ang tag-init, ang taglamig, at ang tagsibol – ay dahil ang taglagas ay ang pinakamalago sa mga panahon dahil sa pagiging dito inaani ang mga bunga.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

