Noong nagpanik sa akin [sa langit], naparaan ako sa mga taong mayroon silang mga kukong yari sa tanso, na kumakalmot sila sa pamamagitan ng mga ito sa mga mukha nila at mga dibdib nila
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Noong nagpanik sa akin [sa langit], naparaan ako sa mga taong mayroon silang mga kukong yari sa tanso, na kumakalmot sila sa pamamagitan ng mga ito sa mga mukha nila at mga dibdib nila. Kaya naman nagsabi ako: "Sino ang mga ito, O Gabriel?" Nagsabi siya: "Ang mga ito ay ang mga kumakain ng mga karne ng mga tao at naninira sa mga dangal nila."}
Explanation
Benefits
Ang paninira sa mga dangal ng mga tao gaya ng panlilibak at tulad nito ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.
Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy kaugnay sa sabi ng Propeta na: "nangangalmot" ng nasabi niya: "Yayamang ang pagkalmot sa mukha at dibdib ay kabilang sa mga katangian ng mga babaing nananaghoy, ginawa ito bilang ganti sa nanlilibak at gumagawa-gawa ng kasinungalingan sa mga dangal ng mga Muslim bilang isang pagpaparamdam na ito ay hindi kabilang sa mga katangian ng mga lalaki; bagkus ito ay kabilang sa mga katangian ng mga babae sa pinakapangit na kalagayan at pinakahidwang anyo."
Ang pagkakinakailangan ng pananampalataya sa Nakalingid at sa lahat ng ipinabatid ni Allāh at ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan).
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

