Ang kamay na mataas ay higit na mabuti kaysa sa kamay na mababa
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi habang siya ay nasa pulpito at bumabanggit ng kawanggawa at pagpipigil sa panghihingi: "Ang kamay na mataas ay higit na mabuti kaysa sa kamay na mababa sapagkat ang kamay na mataas ay ang tagagugol at ang mababa ay ang tagahingi."}
Explanation
Benefits
Nasaad dito ang paghimok sa pagpipigil sa panghihingi at pagpapawalang-pangangailngan sa mga tao at ang pag-udyok sa matataas sa mga bagay-bagay at ang pagwaksi sa mababa sa mga ito. Si Allāh ay nakaiibig sa matataas sa mga bagay-bagay.
Ang mga kamay ay apat na sa kainaman ay gaya ng sumusunod: ang mataas sa mga ito ay ang tagagugol, pagkatapos ang tagapagpigil sa pagkuha, pagkatapos ang tagakuha, pagkatapos ang tagakuha nang walang paghingi, pagkatapos ang mababa sa mga ito, ang tagahingi.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

