Kumuha ka mula sa yaman niya ayon sa nakaugalian ng sasapat sa iyo at sasapat sa mga anak mo."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Pumasok si Hind bint `Utbah na maybahay ni Abū Sufyān sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na si Abū Sufyān ay isang lalaking maramot. Hindi siya nagbibigay sa akin ng panggugol na sasapat sa akin at sasapat sa mga anak ko maliban sa kinuha ko mula sa yaman niya nang walang kaalaman niya. Kaya may kasalanan po ba sa akin doon? Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kumuha ka mula sa yaman niya ayon sa nakaugalian ng sasapat sa iyo at sasapat sa mga anak mo."}
Explanation
Benefits
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Ang ibig sabihin mula sa sabi niya na: "Kumuha ka mula sa yaman niya ayon sa nakaugalian" ay pagsangguni sa kaugalian kaugnay sa anumang wala ritong isang pagtatakdang legal.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Humango siya ng patunay sa ḥadīth na ito sa pagpayag sa pagbanggit sa tao ng hindi niya maiibigan kapag ito ay ayon sa paraan ng paghiling ng payo, paghihinaing, at tulad niyon. Ito ay isa sa mga pagkakataon na pinapayagan dito ang paglibak.
Nagsabi si Al-Qurṭubīy: Hindi nagnais si Hind ng paglalarawan kay Abū Sufyān ng karamutan sa lahat ng mga kalagayan niyon. Naglarawan lamang siya ng kalagayan niya sa piling niyon na iyon ay nagkukuripot sa kanya at sa mga anak niya. Ito ay hindi nag-oobliga ng kakuriputan sa kalahatan sapagkat marami sa mga padre de familia ay gumagawa niyon sa mag-anak nito at nakaaapekto ang mga estranghero dala ng pagpapalagayang-loob sa kanila.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

