Walang anumang araw na inuumaga ang mga tao roon malibang may dalawang anghel na bumababa saka nagsasabi ang isa sa kanilang dalawa: 'O Allāh, magbigay Ka sa isang tagagugol ng isang kabayaran,' at nagsasabi naman ang isa pa: 'O Allāh, magbigay Ka sa isang tagapagkait ng isang kasiraan.'"}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang anumang araw na inuumaga ang mga tao roon malibang may dalawang anghel na bumababa saka nagsasabi ang isa sa kanilang dalawa: 'O Allāh, magbigay Ka sa isang tagagugol ng isang kabayaran,' at nagsasabi naman ang isa pa: 'O Allāh, magbigay Ka sa isang tagapagkait ng isang kasiraan.'"}
Explanation
"O Allāh, magbigay Ka sa isang tagagugol sa mga pagtalima, sa mag-anak, mga panauhin, at mga pagkukusang-loob ng isang kabayaran; tumumbas Ka sa kanya ng isang kabutihan sa anumang ginugol niya; at magpala Ka sa kanya."
Nagsasabi naman ang isa pa: "O Allāh, magbigay Ka sa isang tagapagkait nito ng isang kasiraan at magpahamak Ka ng yaman niya na ipinagkait niya sa mga karapat-dapat dito.
Benefits
Ang pagdalangin ng mga anghel para sa mga mananampalatayang maayos ng kabutihan at pagpapala at na ang panalangin nila ay tinutugon.
Ang pag-udyok sa paggugol sa mga kinakailangan at mga pagkukusang-loob gaya ng paggugol sa mag-anak, pagpapanatili ng ugnayang pangkaanak, at mga uri ng kabutihan.
Ang paglilinaw sa kainaman ng tagapaggugol sa mga uri ng kabutihan at na ang kahihinatnan niya ay na si Allāh ay magtutumbas sa kanya. Nagsabi si Allāh (Qur'ān 34:39): {Ang anumang ginugol ninyo na anuman, Siya ay magtutumbas nito at Siya ay ang pinakamainam sa mga tagapagtustos.”}
Ang panalanging ito ay laban sa tagapagkait ng mga guguling kinakailangan. Hinggil naman sa mga guguling isinakaibig-ibig, hindi ito napaloloob dahil ang nasasangkot dito ay hindi karapat-dapat sa panalanging ito.
Ang Pagbabawal sa Karamutan at Kasibaan
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

