O Sugo ni Allāh, nagtuturing kami na ang pakikibaka ay pinakamainam na gawain. Kaya makikibaka po ba kami?" Nagsabi siya: "Hindi; subalit ang pinakamainam na pakikibaka ay isang ḥajj na tinanggap."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "O Sugo ni Allāh, nagtuturing kami na ang pakikibaka ay pinakamainam na gawain. Kaya makikibaka po ba kami?" Nagsabi siya: "Hindi; subalit ang pinakamainam na pakikibaka ay isang ḥajj na tinanggap."}
Explanation
Gumabay sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungo sa pinakamainam na pakikibaka sa panig ng mga babae. Ito ay ang ḥajj na tinanggap, na sumasang-ayon sa Qur'ān at Sunnah, na malaya sa kasalanan at pakitang-tao.
Benefits
Ang pagsasagawa ng ḥajj para sa mga babae ay higit na mainam kaysa sa pakikibaka. Ito ay kabilang sa pinakamainam sa mga gawain para sa mga babae.
Ang mga gawain ay nagkakalamangan at nagkakaibahan alinsunod sa tagagawa.
Tinawag ang ḥajj bilang pakikibaka dahil ito ay pakikibaka sa sarili at dito ay may pagkakaloob ng yaman at lakas para sa katawan. Kaya naman ito ay isang pagsambang pangkatawan at pampananalapi gaya ng pakikibaka sa landas ni Allāh.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

