Kaya kapag dumating ang Ramaḍān, magsagawa ka ng `umrah sapagkat tunay na ang isang `umrah dito ay nakatutumbas sa isang ḥajj."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang babaing kabilang sa mga Tagaadya, na pinangalanan ng Anak ni `Abbās ngunit nakalimutan ko ang pangalan nito: "Ano ang pumigil sa iyo na magsagawa ng ḥajj kasama namin?" Nagsabi ito: "Hindi kami nagkaroon kundi ng dalawang kamelyong pang-igib," ngunit nagsagawa ng ḥajj ang ama ng anak niya at ang anak niya sakay ng isang kamelyong pang-igib, "at nag-iwan siya sa amin ng isang kamelyong pang-igib na nag-iigib kami sakay nito." Nagsabi siya: "Kaya kapag dumating ang Ramaḍān, magsagawa ka ng `umrah sapagkat tunay na ang isang `umrah dito ay nakatutumbas sa isang ḥajj."}
Explanation
Nagdahilan ito na sila ay may dalawang kamelyo ngunit nagsagawa ng ḥajj ang asawa niya at ang anak niya sakay ng isa sa dalawang kamelyo. Iniwanan ang isa pa upang ipangkuha nila ng tubig mula sa balon.
Kaya nagpabatid dito ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na ang pagganap ng `umrah sa buwan ng Ramaḍān ay nakatutulad ang pabuya nito sa pabuya ng isang ḥajj.
Benefits
Ang `umrah sa Ramaḍān ay nakapapantay ng isang ḥajj sa gantimpala, hindi sa pag-aalis ng tungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj.
Ang gantimpala sa mga gawain ay nadaragdagan sa pagkadagdag ng dangal ng mga panahon. Kabilang doon ang mga gawain sa Ramaḍān.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

