
SALATUL EID
Kabilang sa layunin ng kautusan sa Islam ay pagkakaisa ng puso’t damdamin at kapatiran ng mga Muslim. At ipinag-uutos sa Islam ang pagtitipon sa karamihan ng pagsamba, isa dito ay ang Salatul Eid, ang Propeta Muhammad ﷺ ay ipinag-uutos sa lahat ng tao na sila’y lumabas at magtipon para sa pagdarasal na ito, kahit pa man ang mga kababaihan na mayroong buwanang dalaw, “upang kanilang matunghayan ang kabutihan at pag-anyaya sa mga Muslim”. At maaaring maligo, magpaganda, at mag-ayos...
SALATUL EID
Kabilang sa layunin ng kautusan sa Islam ay pagkakaisa ng puso’t damdamin at kapatiran ng mga Muslim. At ipinag-uutos sa Islam ang pagtitipon sa karamihan ng pagsamba, isa dito ay ang Salatul Eid, ang Propeta Muhammad ﷺ ay ipinag-uutos sa lahat ng tao na sila’y lumabas at magtipon para sa pagdarasal na ito, kahit pa man ang mga kababaihan na mayroong buwanang dalaw, “upang kanilang matunghayan ang kabutihan at pag-anyaya sa mga Muslim”.
At maaaring maligo, magpaganda, at mag-ayos para sa pagdiriwang na ito, at pinapahintulutan sa araw ng Eidul-Fitr na kumain ng datiles bago magtungo sa lugar dasalan, kung papaano na ang Propeta Muhammad ﷺ ay hindi pumupunta sa lugar dasalan hangga’t siya ay hindi kumakain ng datiles.
Magsisimula ang oras ng Salatul-Eid paglagpas ng sampung minuto pagkatapos ng pagsikat ng araw, hanggang sa paglihis ng araw pagkatapos nitong gumitna sa langit. Pinapahintulutan na magsagawa ng pagdarasal sa bukas na kapatagan, at maaari din na isagawa sa mga Masjid o bahay dasalan kung walang kakayahang isagawa ito sa bukas na kapatagan, at hindi na kinakailangan ang Adhan at Iqaamah o panawagan para sa Salah.
Ang Propeta Muhammad ﷺ ay lumalabas patungo sa kapatagan tuwing Fitr at Adhhaa, at kanyang uunahin na isagawa ang Salatul-Eid; at ito’y dalawang Rak’ah; siya ay magsasagawa ng anim na takbeer pagkatapos ng Takbeeratul-Ihram sa unang tayo o Rak’ah, at siya ay magbabasa ng pambungad na panalangin at magbabasa ng talata mula sa Quran.
At sa pangalawang tayo (magsasabi ng “Allahu- Akbar habang lumilipat ng posisyon patayo), magsasagawa ng limang Takbeer, itataas ang dalawang kamay sa tuwing Takbeer (Allahu-Akbar), maaari niyang sabihin ang Allahu-Akbar, Subhanallah, Alhamdulillah sa pagitan ng bawa’t Takbeer.
Kabilang sa Sunnah na kanyang basahin ang dalawang Surah, Suratul-A’la at Al-Ghashiyah, o Surah Qaaf o Al-Qamar. At magbibigay ng sermon para sa mga tao pagkatapos ng dasal, katulad ng sermon tuwing biyernes, at maaaring dumalo ang mga tao at makinig sa sermon na ito.
Kabilang rin sa Sunnah ang pagpunta nang maaga sa lugar dasalan ng naglalakad, at siya ay babalik sa ibang daan maliban sa kanyang pinanggalingan. Kapag ang tao ay kanyang nakaligtaan ang Salatul-Eid ay kanya itong isagawa katulad ng pamamaraan na ating nabanggit.
Hindi makukumpleto ang araw ng Eid, maliban sa ating pagsunod sa Allah ﷻ, at pagtugon sa kung ano ang Kanyang ipinag-uutos, “Kung sino ang sumunod sa Allah, at sa Kanyang sugo, katotohanan sila’y magkakamit ng dakilang tagumpay”.

SALATUL EID
Scan QR Code | Use a QR Code Scanner to fast download directly to your mobile device