
TAWHEED AL-ULUHIYAH (KAISAHAN NI ALLAH SA PAGSAMBA)
Pagkatapos maniwala ng isang tao sa Al-Rububiyah, kinakailangan ang pananamapalataya na si Allah ﷻ ang Nag-iisa sa ating lantaran at patago na pagsamba, at hindi natin sasambahin ang kahit sino maliban sa natatanging tagapaglikha, nagbibigay ng biyaya, at tanging nangangasiwa sa Kanyang kaharian. Ating mapapagtanto na hindi sapat na maniwala ang isang tao na mayroong nag-iisang tagapaglikha, nagbibigay ng biyaya, at hindi matatawag na isang Muslim. At kinakailangan na ating maging layunin...
TAWHEED AL-ULUHIYAH (KAISAHAN NI ALLAH SA PAGSAMBA)
Pagkatapos maniwala ng isang tao sa Al-Rububiyah, kinakailangan ang pananamapalataya na si Allah ﷻ ang Nag-iisa sa ating lantaran at patago na pagsamba, at hindi natin sasambahin ang kahit sino maliban sa natatanging tagapaglikha, nagbibigay ng biyaya, at tanging nangangasiwa sa Kanyang kaharian.
Ating mapapagtanto na hindi sapat na maniwala ang isang tao na mayroong nag-iisang tagapaglikha, nagbibigay ng biyaya, at hindi matatawag na isang Muslim. At kinakailangan na ating maging layunin na si Allah ﷻ ang kararapat na Nag-iisa sa ating pagsamba.
Sa ganitong dahilan hindi naging mananampalataya ang mga Mushrikun o mga tumaliwas at nagtambal sa Allah ﷻ , at kung ating titingnan ang mga talata sa Qur’an na nagsasaad ng pagiging panginoon ni Allah, ito’y palaging sinusundan ng pag-anyaya sa Kanyang karapatan sa pagsamba.
Ang Tawheed Al-Uluhiyah ay pondasyon ng relihiyong Islam na kung saan kapag ito’y nasira, hindi matatawag na mananampalataya ang isang tao, at sa ganitong klase ng kaisahan ng panginoon ipinadala ang mga rebelasyon kasama ang mga Propeta, at sa ganitong klase ng kaisahan ng panginoon nilikha ang paraiso at impiyerno.
Ang kaisahan ni Allah ﷻ sa Kanyang pagsamba ay kinakailangan na tayo’y magkaroon ng sinsiridad sa relihiyon, ang ating pagmamahal, pagdakila, pagtitiwala, pagdepende, pagkatakot, at pananalangin ay lahat kay Allah lamang. At wala tayong pagsumpa, pag-aalay o pagsasakripisyo maliban na ito’y para sa Allah lamang, at ganito ang ating gagawin sa lahat ng ating pagsamba, ito man ay pagsamba na nararamdaman ng ating puso, o pagsamba na ginagawa ng ating katawan, lahat ay iuukol sa Allah, nang walang halong pagtatambal.

TAWHEED AL-ULUHIYAH (KAISAHAN NI ALLAH SA PAGSAMBA)
Scan QR Code | Use a QR Code Scanner to fast download directly to your mobile device