ANG AWLIYAA NI ALLAH ﷻ
Sino ang tinatawag na “Awliyaa Allah” (alagad ni Allah)? Mayroong mga tao na nag-aakala na ang Awliya ni Allah ﷻ ay kung sino ang mga nasa libingan, o nasa ilalim ng simboryo(dome). Ang Wali ay kinakailangan na mananamplataya, matatakutin sa Allah, kahit ano pa ang kanyang kalagayan sa lupa, sinabi ni Allah ﷻ sa Qur’an: “Katotohanan ang mga Awliyah ni Allah, sila ay walang madaramang pangamba at sila ay walang mararanasan na kalungkutan. Sila ay yaong mga tunay na naniniwala at...
ANG AWLIYAA NI ALLAH ﷻ
Sino ang tinatawag na “Awliyaa Allah” (alagad ni Allah)?
Mayroong mga tao na nag-aakala na ang Awliya ni Allah ﷻ ay kung sino ang mga nasa libingan, o nasa ilalim ng simboryo(dome).
Ang Wali ay kinakailangan na mananamplataya, matatakutin sa Allah, kahit ano pa ang kanyang kalagayan sa lupa, sinabi ni Allah ﷻ sa Qur’an: “Katotohanan ang mga Awliyah ni Allah, sila ay walang madaramang pangamba at sila ay walang mararanasan na kalungkutan. Sila ay yaong mga tunay na naniniwala at laging kinakatakutan ang parusa ni Allah”.
Ang Wali ay kinuha sa salitang-ugat na “Al-Walaa” ibig sabihin ay malapit, kaya ang Wali ay siya yung tao na lubos na kinikilala si Allah, sa pamamagitan ng parating pagsamba na may katapatan, upang mas mapalapit sa Allah ﷻ.
At ang mga Awliyaa ni Allah ay sila yaong mga tao na minamahal kung ano ang minamahal ni Allah ﷻ, at kinamumuhian kung ano ang hindi nais ni Allah ﷻ, sinabi ng Propeta Muhammad ﷺ: “Ang pinakamainam na pananampalataya ay pagmamahal para sa Allah, at pagkamuhi para sa Allah”.
Ito ay maglilinaw sa mga tao na nag-aangkin na sila ay mga Awliya, habang sila ay hindi sumusunod sa mga ipinag-uutos ng Allah ﷻ mula sa Qur’an at Sunnah, at ang kanilang pag-aangkin na dumarating sa kanilang puso ang mga balita ng panginoon ay malaking kasinungalingan at panliligaw, kahit na sila ay makagawa ng mga milagro.
Sinabi ng mga iskolar: “Kahit na ikaw ay makakita ng lalaki na lumilipad sa hangin o siya man ay nakakapaglakad sa ibabaw ng tubig, huwag kayong malinlang/maniwala hangga‘t hindi malinaw sa inyo ang kanyang pagsunod sa mga kautusan at ipinagbabawal”.
At walang partikular na itsura, damit, gupit ng buhok ang mga Awliya, sila rin ay nagkakamali (ngunit sila ay hindi nananatili sa kasalanan), sinabi ng Propeta Muhammad ﷺ : “Lahat ng anak ni Adan ay nagkakamali, at ang mainam sa lahat ng nagkamali ay siya na humihingi ng kapatawaran”.
Dahil ang mananampalataya ay makakagawa ng hindi makatarungan sa kanyang sarili ayon sa antas ng kanyang kasalanan, at siya ay mapapalapit sa Allah ﷻ ayon sa antas ng kanyang pananampalataya.
Tandaan na ang pinakamalalapit sa Allah ﷻ ay mga Propeta, at ang pinakamainam sa kanila ay ang huling Propeta na si Muhammad. Nararapat na kilalanin natin ang tunay na Awliya ni Allah, sinabi ni Allah ﷻ sa Hadith Al-Qudsi: “Kung sinuman ang kinalaban ang aking Wali, ako ang kanyang kinakalaban”.
ANG AWLIYAA NI ALLAH ﷻ
Scan QR Code | Use a QR Code Scanner to fast download directly to your mobile device