الفجر
Al-Fajr
The Dawn
1 - Al-Fajr (The Dawn) - 001
وَٱلۡفَجۡرِ
Sumpa man sa madaling-araw,
2 - Al-Fajr (The Dawn) - 002
وَلَيَالٍ عَشۡرٖ
sumpa man sa Sampung Gabi [ng Dhulḥijjah],
3 - Al-Fajr (The Dawn) - 003
وَٱلشَّفۡعِ وَٱلۡوَتۡرِ
sumpa man sa [mga bagay na] tukol at gansal,[1]
[1] tukol: bilang na mahahati sa dalawa nang walang labis, gaya ng mga bilang 2 at 4; gansal: bilang na kapag hinati sa dalawa ay may labis na isa, gaya ng mga bilang 3 at 5.
4 - Al-Fajr (The Dawn) - 004
وَٱلَّيۡلِ إِذَا يَسۡرِ
sumpa man sa gabi kapag naglalakbay ito; [talagang gagantihan nga kayo.]
5 - Al-Fajr (The Dawn) - 005
هَلۡ فِي ذَٰلِكَ قَسَمٞ لِّذِي حِجۡرٍ
Sa gayon kaya ay may panunumpa para sa may pang-unawa?
6 - Al-Fajr (The Dawn) - 006
أَلَمۡ تَرَ كَيۡفَ فَعَلَ رَبُّكَ بِعَادٍ
Hindi mo ba napag-alaman kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo sa [liping] `Ād,
7 - Al-Fajr (The Dawn) - 007
إِرَمَ ذَاتِ ٱلۡعِمَادِ
na [lipi ni] Irām na may mga haligi,
8 - Al-Fajr (The Dawn) - 008
ٱلَّتِي لَمۡ يُخۡلَقۡ مِثۡلُهَا فِي ٱلۡبِلَٰدِ
na hindi nilikha ang tulad ng mga iyon sa mga bayan;
9 - Al-Fajr (The Dawn) - 009
وَثَمُودَ ٱلَّذِينَ جَابُواْ ٱلصَّخۡرَ بِٱلۡوَادِ
at sa [liping] Thamūd na pumutol ng mga malaking bato sa lambak;
10 - Al-Fajr (The Dawn) - 010
وَفِرۡعَوۡنَ ذِي ٱلۡأَوۡتَادِ
at kay Paraon na may mga tulos?
11 - Al-Fajr (The Dawn) - 011
ٱلَّذِينَ طَغَوۡاْ فِي ٱلۡبِلَٰدِ
[Silang lahat ay] ang mga nagmalabis sa mga bayan,
12 - Al-Fajr (The Dawn) - 012
فَأَكۡثَرُواْ فِيهَا ٱلۡفَسَادَ
saka nagparami sila sa mga iyon ng katiwalian,
13 - Al-Fajr (The Dawn) - 013
فَصَبَّ عَلَيۡهِمۡ رَبُّكَ سَوۡطَ عَذَابٍ
kaya nagbuhos sa kanila ang Panginoon mo ng isang hagupit ng pagdurusa.
14 - Al-Fajr (The Dawn) - 014
إِنَّ رَبَّكَ لَبِٱلۡمِرۡصَادِ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang nasa pantambang.
15 - Al-Fajr (The Dawn) - 015
فَأَمَّا ٱلۡإِنسَٰنُ إِذَا مَا ٱبۡتَلَىٰهُ رَبُّهُۥ فَأَكۡرَمَهُۥ وَنَعَّمَهُۥ فَيَقُولُ رَبِّيٓ أَكۡرَمَنِ
Kaya hinggil naman sa tao, kapag sumubok dito ang Panginoon nito saka nagparangal Siya rito at nagpaginhawa Siya rito, nagsasabi ito: “Ang Panginoon ko ay nagparangal sa akin.”
16 - Al-Fajr (The Dawn) - 016
وَأَمَّآ إِذَا مَا ٱبۡتَلَىٰهُ فَقَدَرَ عَلَيۡهِ رِزۡقَهُۥ فَيَقُولُ رَبِّيٓ أَهَٰنَنِ
Hinggil naman sa kapag sumubok Siya rito saka naghigpit Siya rito sa panustos dito, nagsasabi ito: “Ang Panginoon ko ay humamak sa akin.”
17 - Al-Fajr (The Dawn) - 017
كَلَّاۖ بَل لَّا تُكۡرِمُونَ ٱلۡيَتِيمَ
Aba’y hindi! Bagkus hindi kayo nagpaparangal sa ulila
18 - Al-Fajr (The Dawn) - 018
وَلَا تَحَـٰٓضُّونَ عَلَىٰ طَعَامِ ٱلۡمِسۡكِينِ
at hindi kayo naghihimukan sa pagpapakain sa dukha.
19 - Al-Fajr (The Dawn) - 019
وَتَأۡكُلُونَ ٱلتُّرَاثَ أَكۡلٗا لَّمّٗا
Kumakain kayo ng pamana nang pagkaing masidhi.
20 - Al-Fajr (The Dawn) - 020
وَتُحِبُّونَ ٱلۡمَالَ حُبّٗا جَمّٗا
Umiibig kayo sa yaman nang pag-ibig na labis.
21 - Al-Fajr (The Dawn) - 021
كَلَّآۖ إِذَا دُكَّتِ ٱلۡأَرۡضُ دَكّٗا دَكّٗا
Aba’y hindi! Kapag dinurog ang lupa nang durog na durog,
22 - Al-Fajr (The Dawn) - 022
وَجَآءَ رَبُّكَ وَٱلۡمَلَكُ صَفّٗا صَفّٗا
at dumating ang Panginoon mo at ang mga anghel nang hanay-hanay,
23 - Al-Fajr (The Dawn) - 023
وَجِاْيٓءَ يَوۡمَئِذِۭ بِجَهَنَّمَۚ يَوۡمَئِذٖ يَتَذَكَّرُ ٱلۡإِنسَٰنُ وَأَنَّىٰ لَهُ ٱلذِّكۡرَىٰ
at ihahatid sa Araw na iyon ang Impiyerno. Sa Araw na iyon ay magsasaalaala ang tao, at paano ukol sa kanya ang paalaala?
24 - Al-Fajr (The Dawn) - 024
يَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي قَدَّمۡتُ لِحَيَاتِي
Magsasabi siya: “O kung sana ako ay nagpauna [ng mga gawang maayos] para sa buhay ko [sa Kabilang-buhay].”
25 - Al-Fajr (The Dawn) - 025
فَيَوۡمَئِذٖ لَّا يُعَذِّبُ عَذَابَهُۥٓ أَحَدٞ
Kaya sa araw na iyon ay walang magpaparusa ng pagdurusang dulot Niya na isa man
26 - Al-Fajr (The Dawn) - 026
وَلَا يُوثِقُ وَثَاقَهُۥٓ أَحَدٞ
at walang gagapos [sa masama gaya] ng paggapos Niya na isa man.
27 - Al-Fajr (The Dawn) - 027
يَـٰٓأَيَّتُهَا ٱلنَّفۡسُ ٱلۡمُطۡمَئِنَّةُ
[Sasabihan sa mabuti:] “O kaluluwang napapanatag,
28 - Al-Fajr (The Dawn) - 028
ٱرۡجِعِيٓ إِلَىٰ رَبِّكِ رَاضِيَةٗ مَّرۡضِيَّةٗ
bumalik ka sa Panginoon mo nang nalulugod na kinalulugdan,
29 - Al-Fajr (The Dawn) - 029
فَٱدۡخُلِي فِي عِبَٰدِي
saka pumasok ka sa mga lingkod Ko,
30 - Al-Fajr (The Dawn) - 030