افتتاح البرنامج الدعوي السبت القادم، ٩ / ٣ / ١٤٤٨هـ بعد صلاة الفجر مباشرة مسجد محمد بن إبراهيم، الجامعة الإسلامية بالمدينة المنورة فضيلة الشيخ د. هيثم بن محمد سرحان دورة اليوم الواحد، وختم كتاب كل سبت بإذن الله حياكم الله ونفع بكم. افتتاح البرنامج الدعوي السبت القادم، ٩ / ٣ / ١٤٤٨هـ بعد صلاة الفجر مباشرة مسجد محمد بن إبراهيم، الجامعة الإسلامية بالمدينة المنورة فضيلة الشيخ د. هيثم بن محمد سرحان دورة اليوم الواحد، وختم كتاب كل سبت بإذن الله حياكم الله ونفع بكم. افتتاح البرنامج الدعوي السبت القادم، ٩ / ٣ / ١٤٤٨هـ بعد صلاة الفجر مباشرة مسجد محمد بن إبراهيم، الجامعة الإسلامية بالمدينة المنورة فضيلة الشيخ د. هيثم بن محمد سرحان دورة اليوم الواحد، وختم كتاب كل سبت بإذن الله حياكم الله ونفع بكم. افتتاح البرنامج الدعوي السبت القادم، ٩ / ٣ / ١٤٤٨هـ بعد صلاة الفجر مباشرة مسجد محمد بن إبراهيم، الجامعة الإسلامية بالمدينة المنورة فضيلة الشيخ د. هيثم بن محمد سرحان دورة اليوم الواحد، وختم كتاب كل سبت بإذن الله حياكم الله ونفع بكم. افتتاح البرنامج الدعوي السبت القادم، ٩ / ٣ / ١٤٤٨هـ بعد صلاة الفجر مباشرة مسجد محمد بن إبراهيم، الجامعة الإسلامية بالمدينة المنورة فضيلة الشيخ د. هيثم بن محمد سرحان دورة اليوم الواحد، وختم كتاب كل سبت بإذن الله حياكم الله ونفع بكم. افتتاح البرنامج الدعوي السبت القادم، ٩ / ٣ / ١٤٤٨هـ بعد صلاة الفجر مباشرة مسجد محمد بن إبراهيم، الجامعة الإسلامية بالمدينة المنورة فضيلة الشيخ د. هيثم بن محمد سرحان دورة اليوم الواحد، وختم كتاب كل سبت بإذن الله حياكم الله ونفع بكم. افتتاح البرنامج الدعوي السبت القادم، ٩ / ٣ / ١٤٤٨هـ بعد صلاة الفجر مباشرة مسجد محمد بن إبراهيم، الجامعة الإسلامية بالمدينة المنورة فضيلة الشيخ د. هيثم بن محمد سرحان دورة اليوم الواحد، وختم كتاب كل سبت بإذن الله حياكم الله ونفع بكم. افتتاح البرنامج الدعوي السبت القادم، ٩ / ٣ / ١٤٤٨هـ بعد صلاة الفجر مباشرة مسجد محمد بن إبراهيم، الجامعة الإسلامية بالمدينة المنورة فضيلة الشيخ د. هيثم بن محمد سرحان دورة اليوم الواحد، وختم كتاب كل سبت بإذن الله حياكم الله ونفع بكم.
Islamic Reads · HadeethEnc

Prophetic Hadeeth Encyclopedia

Search and read verified Prophetic hadeeth translations, explanations, benefits, categories and source attribution. Page 5.

Content source:HadeethEnc.com·Version 1.49.0
1,949hadeeths
Advanced search

Search the Hadeeth Encyclopedia

Smart instant results tolerate minor spelling mistakes, with every filter in one place.

102hadeeths
Clear filters
Categories

Ang Pananampalataya sa Huling Araw

12 hadeeths in this category
#8282HadeethEnc[Tumpak]

Pinangakuan ako ng Panginoon ko na magpapasok Siya sa Paraiso mula sa Kalipunan ko ng pitumpong libo nang walang pagtutuos ni pagdurusa. Kasama ng bawat isang libo ang [iba pang] pitumpong libo at tatlong dakot mula sa mga dakot ng Panginoon ko.

Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allāh sa kanya: "Pinangakuan ako ng Panginoon ko na magpapasok Siya sa Paraiso mula sa Kalipunan ko ng pitumpong libo nang walang pagtutuos ni pagdurusa. Kasama ng bawat isang libo ang [iba pang] pitumpong libo at tatlong dakot mula sa mg…

Read hadeeth
Share
#8287HadeethEnc[Tumpak]

Ilalagay ang landasin sa pagitan ng dalawang pampang ng Impiyerno, na mayroong mga tinik gaya ng tinik ng [halamang] Sa`dān. Pagkatapos ay patatawirin ang mga tao, kaya may maliligtas, masasagip, matatalupan pagkatapos ay maliligtas, mapipigilan at saka matitiwarik doon.

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: Ilalagay ang landasin sa pagitan ng dalawang pampang ng Impiyerno, na mayroong mga tinik gaya ng tinik ng [halamang] Sa`dān. Pagkatapos ay patatawirin ang mga tao, kaya may maliligtas, masasagip, matatalupan pagk…

Read hadeeth
Share
#8291HadeethEnc[Tumpak]

Maglalantad ang Panginoon natin ng lulod Niya kaya magpapatirapa sa Kanya ang bawat mananampalatayang lalaki at mananampalatayang babae ngunit mananatiling [nakatayo] ang bawat sinumang nagpapatirapa noon sa Mundo bilang pakita at parinig at magtatangka siyang magpatirapa ngunit magiging parang iisang buto ang likod niya.

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: "Maglalantad ang Panginoon natin ng lulod Niya kaya magpapatirapa sa Kanya ang bawat mananampalatayang lalaki at mananampalatayang babae ngunit mananatiling [nakatayo] ang bawat sinumang nagpapatirapa noon sa Mun…

Read hadeeth
Share
#8301HadeethEnc[Tumpak]

Ang ḥadīth ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy. Nagsasaad ito ng mga masasaksihan sa Araw ng Pagkabuhay: ang pagkakita ng Mananampalataya kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ang landasin, ang pagpapalabas mula sa Impiyerno sa sinumang sa puso niya ay may katiting na pananampalataya, ang Pamamagitan

'Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: Nagsabi kami: "O Sugo ni Allah, makikita ba namin ang Panginoon namin sa Araw ng Pagkabuhay?" Nagsabi siya: "Napipinsala ba kayo sa pagkakita ng araw at buwan kapag maaliwalas?" Nagsabi kami: "Hindi po." Nagsabi…

Read hadeeth
Share
#8313HadeethEnc[Tumpak]

Nagbangayan ang Paraiso at ang Impiyerno kaya nagsabi ang Impiyerno: "Inilaan ako para sa mga nagmamalaki at nagpapakapalalo." Nagsabi ang Paraiso: "Ano ang nangyari sa akin: walang pumapasok sa akin kundi ang mahihina sa mga tao, ang mga hamak sa kanila, at ang mga masa sa kanila."

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Nagbangayan ang Paraiso at ang Impiyerno kaya nagsabi ang Impiyerno: "Inilaan ako para sa mga nagmamalaki at nagpapakapalalo." Nagsabi ang Paraiso: "Ano ang nangyari sa akin: walang pumapasok sa akin kundi ang mahihina s…

Read hadeeth
Share
#8319HadeethEnc[Maganda]

Bubuhayin muli ang mgaTao sa Araw ng Pagkabuhay - O sinabi niya;Ang alipin-Na nakahubad,hindi tuli at walang dala.Nagsabi sitya;At ano ang ibig sabihin ng walang dala? Sinabi niya; Wala silang dala kahit na anong bagay, pagkatapos ay tatawagin sila ng boses na maririnig ito nang sinumang nasa kalayuan tulad nang pagkarinig nito ng sinumang napakalapit,Ako ang Hari,Ako ang Tagapag-Hatol

Ayon kay Jaber bin Abdullah-malugod si Allah sa kanilang dalawa-naipa-alam sa akin ang isang Hadith buhat sa isang lalaking narirnig nito mula sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya`t bumili ako ng kamelyo.at ginamit ko ito sa paglalakbay ko,naglak…

Read hadeeth
Share
#8345HadeethEnc[Tumpak]

Magtitipon si Allāh sa mga taong una at huli sa iisang lupa, na magpaparinig sa kanila ang tagatawag at manunuot sa kanila ang paningin. Lalapit sa kanila ang araw saka aabot sa mga tao mula sa dalamhati at pighati ang hindi nila makakakaya at hindi nila mababata

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dinalhan ng isang karne saka inihain sa kanya ang bisig. Nagpagalak ito sa kanya saka kumagat siya mula rito ng isang kagat saka nagsabi: "Ako ay ang pinuno…

Read hadeeth
Share
#10105HadeethEnc[Tumpak]

Tunay na ang tumatangging sumampalataya, kapag gumawa siya ng isang magandang gawa, ay pinatitikim dahil dito ng isang gantimpala sa Mundo. Tungkol naman sa manananampalataya, tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nag-iimpok para sa kanya ng mga magandang gawa niya sa Kabilang-buhay at nagkakaloob sa kanya ng panustos sa Mundo ayon sa pagtalima niya.

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na ang tumatangging sumampalataya, kapag gumawa siya ng isang magandang gawa, ay pinatitikim dahil dito ng isang gantimpala sa Mundo. Tungkol naman sa manananampalataya, tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, a…

Read hadeeth
Share
#10405HadeethEnc[Tumpak]

Tunay na nalalaman ko ang pinakahuli sa mga nananahanan sa Impiyerno na lalabas mula rito,at ang pinakahuling mananahanan sa Paraiso na papasok sa Paraiso.Isang lalaki na lalabas sa Impiyerno na gumagapang,At sasabihin ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-sa kanya:Humayo ka at pumasok ka sa Paraiso,Darating siya rito,Aakalain niya rito na ito ay napuno na,At babalik siya:Sasabihin niya: O Panginoon,natagpuan ko itong puno na!

Ayon kay Al-Mughirah bin Shu`bah-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi:Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:((Tinanong si Propeta Musa-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Panginoon niya;Ano ang pinakamababang antas a mga manananahanan…

Read hadeeth
Share
#10635HadeethEnc[Tumpak]

Ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang panawagan, ng: Allāhumma rabba hādhihi -dda`wati -ttāmmāti wa-ṣṣalāti -lqā’imah, āti muḥammadani -lwasīlata wa-lfaḍīlah, wa-b`athhu maqāmam maḥmūdani -lladhī wa`attahu (O Allāh, ang Panginoon nitong panawagang lubos at ṣalāh na isasagawa, ibigay Mo kay Muḥammad ang kaparaanan at ang kalamangan at buhayin Mo siya sa katayuang pinapupurihan, na ipinangako Mo), dadapo sa kanya ang Pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon."}

Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang panawagan, ng: Allāhumma rabba hādhihi -dda`wati -ttāmmāti wa-ṣṣalāti -lqā’imah,…

Read hadeeth
Share

Shopping Basket

Loading...