Tunay na ako ay talagang nakaaalam ng isang pangungusap na kung sakaling sinabi niya ay aalis palayo sa kanya ang ikinangingitngit niya. Kung sakaling nagsabi siya ng: A`ūdhu bi-llāhi mina -shhayṭān (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyo), maaalis palayo sa kanya ang ikinangingitngit niya
Ayon kay Sulaymān bin Ṣurad (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako minsan ay nakaupo kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang may dalawang lalaking nag-aalipustaan. Ang isa sa kanila ay namula ang mukha niya at namintog ang mga ugat niya…

