Tunay na may karapatan sa iyo ang Panginoon mo, tunay na may karapatan sa iyo ang sarili mo, at tunay na may karapatan sa iyo ang mag-anak mo, kaya ibigay mo sa bawat may karapatan ang karapatan niya.
Ayon kay Abū Juḥayfah Wahb bin `Abdillāh, malugod si Allāh sa kanya: "Pinagkapatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sina Salmān at Abū Ad-Dardā'. Dinalaw ni Salman si Abū Ad-Dardā' at nakita niya si Umm Ad-Dardā' (ang maybahay ni Abū Ad-Dardā') na nan…

