Ang babae noon, kapag namatayan ng asawa, ay pumapasok sa isang dampa, nagsusuot ng pinakamasama sa mga kasuutan niya, hindi humihipo ng isang pabango ni anuman hanggang sa nilipasan siya ng isang taon. Pagkatapos ay bibigyan siya ng isang hayop: asno o ibon o tupa, at ikukuskos niya ito [sa katawan niya]!
Ayon kay Umm Salamah, malugod si Allāh sa kanya: May babaing pumunta sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang babaing anak ko ay namatayan ng asawa at idinaing nito ang mga mata nito kaya lalagyan po ba namin s…

