Maglubus-lubos ka sa pagsasagawa ng wuḍū'. Magsingit ka sa pagitan ng [isa't isa sa] mga daliri. Magpalabis ka sa pagsinghot ng tubig maliban na ikaw ay nag-aayuno."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Laqīṭ bin Ṣabirah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Ako ay naging delegado ng Angkan ng Muntafiq — o sa delegasyon ng Angkan ng Muntafiq — sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Noong dumating kami sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), hindi kami nakasumpong sa kanya sa tahanan niya at nakasumpong naman kami kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya. Nag-utos siya na maghanda para sa amin ng khazīrah saka ginawa naman ito para sa amin. Dinalhan kami ng isang bandehadong may datiles. Pagkatapos dumating ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Hinainan ba kayo ng anuman o may ipinahanda ba para sa inyo na anuman?" Nagsabi kami: "Opo, O Sugo ni Allāh." Habang kami naman kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mga nakaupo, biglang humangos ang pastol ng mga tupa niya papunta sa pahingahan habang may kasama itong isang korderong umuungol. Kaya nagsabi siya: "Ano ang ipinanganak niyan, O Polano?" Nagsabi ito: "Babaing tupa." Nagsabi siya: "Kaya magkatay ka para sa amin kapalit niyan ng isang tupa." Pagkatapos nagsabi pa siya: "Huwag ka nga magpalagay, huwag ka ngang magpalagay na kami alang-alang sa iyo ay magkakatay nito. Mayroon kaming isang daang tupa na hindi kami nagnanais na madagdagan. Kaya kapag nagpaanak ang pastol ng isang babaing tupa, nagkakatay kami kapalit nito ng isang tupa." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon akong maybahay at tunay na sa dila niya ay may isang bagay." Tumutukoy ito sa kabastusan. Nagsabi siya: "Kaya diborsiyuhin mo siya, samakatuwid." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon siyang pinagsamahan [sa akin] at may anak ako sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya pag-utusan mo siya," nais niyang sabihing pangaralan mo siya, "sapagkat kung sa kanya ay may kabutihan, gagawin niya. Huwag kang mamalo sa kabiyak mo gaya ng pagpalo mo sa munting babaing alipin mo." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, magpabatid ka sa akin tungkol sa wuḍū'. Nagsabi siya: "Maglubus-lubos ka sa pagsasagawa ng wuḍū'. Magsingit ka sa pagitan ng [isa't isa sa] mga daliri. Magpalabis ka sa pagsinghot ng tubig maliban na ikaw ay nag-aayuno."}
Explanation
Benefits
Ang paglubus-lubos ay dalawang uri: 1. paglubus-lubos na kinakailangan, ang hindi nalulubos ang pagsasagawa ng wuḍū' kundi sa pamamagitan nito, na tinutukoy rito ang paghuhugas ng bahaging hinuhugasan at ang pagkasaklaw rito; 2. paglubus-lubos na isinasakaibig-ibig, ang nalulubos ang pagsasagawa ng wuḍū' nang wala nito, na tinutukoy rito ang nadagdag sa kinakailangan na ikalawa at ikatlong paghuhugas at ito ay iminumungkahi.
Ang pagsasakaibig-ibig sa pagsisingit ng mga daliri ng mga kamay at mga paa sa sandali ng paghuhugas ng mga ito. Ang pagsisingit sa mga ito ay gumagawa sa tubig na nakaaabot sa mga pagitan ng mga daliri.
Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Sumagot lamang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mga sunnah ng wuḍū' dahil ang tagapagtanong ay nakaaalam na sa saligan ng pagsasagawa ng wuḍū'.
Kabilang sa mga kagandahan ng mga katangian ng pagkatao ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pagpapahalaga niya sa mga damdamin ng mga ibang tao at ang pagsasaalang-alang sa mga sikolohiya nila.
Ang ḥadīth ay isang patunay sa pagkakinakailangan ng pagmumumog sa pagsasagawa ng wuḍū'.
Ang ḥadīth ay isang patunay sa pagsasakaibig-ibig ng pagpapalabis sa pagsinghot ng tubig maliban sa nag-aayuno sapagkat ito ay hindi isinasakaibig-ibig upang hindi humantong ang pagpapalabis sa pagsinghot ng tubig sa pagpasok sa ilong hanggang sa lalamunan para makasira ng ayuno.
May nasaad dito na isang patunay na hindi kinakailangan ang paglikas sa bawat sinumang umanib sa Islām dahil ang Angkan ng Muntafiq at ang iba pa sa kanila ay hindi lumikas; bagkus nagsugo sila ng mga delegasyon nila. Ito ay gayon din kapag sa isang lugar ay nakakakaya sa paglalantad ng Relihiyong Islām doon.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

