Ito ay ang naipandadalisay ang tubig nito, ang ipinahihintulot ang patay nito."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: May nagtanong na isang lalaki sa Propeta (s) sapagkat nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na kami ay sumasakay sa [sasakyang] dagat at nagdadala kasama namin ng kaunting tubig. Kaya kung magsasagawa kami ng wuḍū' sa pamamagitan nito, mauuhaw kami. Kaya magsasagawa po ba kami ng wuḍū' mula sa dagat?" Nagsabi ang Sugo ni Allāh (s): "Ito ay ang naipandadalisay ang tubig nito, ang ipinahihintulot ang patay nito."}
Explanation
Kaya nagsabi ang Propeta (s) tungkol sa tubig ng dagat: "Ang tubig nito ay dalisay na nakapagdadalisay. Pinapayagan ang pagsasagawa ng wudu mula rito at ang pagpaligo nito. Ipinahihintulot ang pagkain ng lumalabas mula rito na mga isda, mga balyena, at iba pa sa mga ito, kahit pa natagpuan ang mga ito na lumutang na sa ibabaw nito nang hindi pinangisda."
Benefits
Ang pagsagot sa tagapagtanong ng higit sa tinanong niya bilang pagpapalubos sa benepisyo.
Ang tubig, kapag umiba ang lasa nito o ang kulay nito dahil sa isang bagay, ay nananatili sa pagkadalisay nito hanggat ang tubig ay nananatili sa reyalidad nito, kahit pa man tumindi ang kaalatan nito o ang init nito o ang lamig nito at tulad ng mga iyon.
Ang tubig ng dagat ay nakapapawi ng malaking ḥadath at maliit na ḥadath at nakaaalis ng karumihang nangyari sa isang dalisay sa isang katawan o isang kasuutan o iba pa roon.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

