Tunay na kabilang sa naabutan ng mga tao mula sa pananalita ng unang pagkapropeta: Kapag hindi ka nahiya, gawin mo ang niloob mo."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Mas`ūd `Uqbah bin `Amr Al-Anṣārīy Al-Badrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na kabilang sa naabutan ng mga tao mula sa pananalita ng unang pagkapropeta: Kapag hindi ka nahiya, gawin mo ang niloob mo."}
Explanation
Benefits
Ang pagkahiya ay isang katangian kabilang sa mga katangian ng mga propeta (sumakanila ang pangangalaga). Ito ay kabilang sa naiulat buhat sa kanila.
Ang pagkahiya ay ang gumagawa sa taong Muslim na gumawa ng nagpaparikit at gumagayak at magwaksi ng dumudungis at dumudusta.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang pag-uutos kaugnay rito ay para sa pagpayag. Ibig sabihin: Kapag nagnais kang gumawa ng isang bagay saka kung ito ay naging kabilang sa hindi ka mahihiya kay Allāh at sa mga tao kapag ginawa mo, gawin mo ito; at kung hindi, huwag. Ayon dito ang saklaw ng Islām. Ang panuto niyon ay na ang inuutos, ang kinakailangan, at ang iminumungkahi, ay ikinahihiya na magwaksi nito at ang sinasaway, ang bawal, at ang kinasusuklaman, ay ikinahihiya na gumawa nito. Hinggil naman sa pinapayagan, ang pagkahiya sa paggawa nito ay pinapayagan at gayon din sa pagwaksi nito. Kaya naglaman ang ḥadīth ng limang patakaran. Sinabing ito ay isang utos ng pagbabanta. Ang kahulugan nito ay kapag inalis sa iyo ang pagkahiya, gawin mo ang niloob mo; sapagkat tunay na si Allāh ay makikipaggantihan sa iyo rito. Sinabi ring ito ay isang utos na may kahulugan ng pabatid. Ibig sabihin: ang sinumang hindi nahihiya, gagawin niya ang ninais niya.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

