O mga tao, tunay na si Allāh ay Kaaya-aya, na hindi tumatanggap kundi ng kaaya-aya. Tunay na si Allāh ay nag-utos sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay Kaaya-aya, na hindi tumatanggap kundi ng kaaya-aya. Tunay na si Allāh ay nag-utos sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo sapagkat nagsabi Siya (napakataas Siya): {O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.} (Qur'ān 23:51) at nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo.} (Qur'ān 2:172) Pagkatapos binanggit niya ang lalaki – na nagpapahaba ng paglalakbay, na nagulo [ang buhok], na naalikabukan, na nag-uunat ng mga kamay niya papunta sa langit – [habang nananalangin]: "O Panginoon ko, O Panginoon ko," samantalang ang kinakain niya ay bawal, ang iniinom niya ay bawal, ang isinusuot niya ay bawal, na pinakakain sa bawal, kaya paanong tutugunin siya roon?"}
Explanation
Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagkain ng bawal na nakasisira sa gawa at pumipigil sa pagkatanggap nito gaano man nagkaloob ng mga panlabas na kadahilanan ng pagtanggap, na kabilang sa mga ito:
1. Ang pagpapahaba ng paglalakbay sa mga uri ng mga pagtalima gaya ng ḥajj, pakikibaka, pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak, at iba pa roon.
2. Nagkagulu-gulo ang buhok dahil sa kawalan ng pagkasuklay nito, na nag-iba ang kulay niya at ang kulay ng kasuutan niya dahil sa alikabok, kaya siya ay nagigipit.
3. Nag-aangat siya ng mga kamay niya tungo sa langit sa panalangin.
4. Nagsusumamo kay Allāh sa pamamagitan ng mga pangalan Niya at nangungulit doon: "O Panginoon, O Panginoon!"
Sa kabila ng mga kadahilanang ito para sa pagsagot sa panalangin, hindi ito dininig para sa kanya. Iyon ay dahil ang kinakain niya, ang iniinom niya, at ang isinusuot niya ay bawal. Binuhay sa bawal, malayong tumugon sa sinumang ito ang katangian niya at papaanong tutugon sa kanya?
Benefits
Ang pag-uutos ng pagpapawagas ng gawain kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at pakikipagsunuran sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang paggamit ng anumang nagpapatibay-loob sa paggawa yayamang nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nag-utos sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo." Kaya kapag nakaalam ang mananampalataya na ito ay kabilang sa mga iniuutos sa mga isinugo, tunay na siya ay magpapakalakas at magpapakatibay-loob sa pagsunod.
Kabilang sa mga tagapigil sa pagtugon sa panalangin ang pagkain ng bawal.
Kabilang sa mga kadahilanan ng pagsagot sa panalangin ang limang bagay: 1. Ang pagpapahaba ng paglalakbay dahil sa dulot nito na pagkalumbay na kabilang sa pinakamabigat sa mga kadahilanan ng pagsagot. 2. Ang kalagayan ng kagipitan. 3. Ang pag-unat ng mga kamay patungo sa langit. 4. Ang pangungulit kay Allāh sa pamamagitan ng pag-uulit-ulit ng pagbanggit sa pagkapanginoon Niya, na kabilang sa pinakamabigat na ipinanghihiling sa pagsagot sa panalangin. 5. Ang pagpapabuti ng kinakain at iniinom.
Ang pagkain ng ipinahihintulot na kaaya-aya ay kabilang sa mga kadahilanang nakatutulong sa maayos na gawain.
Nagsabi si Al-Qāḍī: Ang kaaya-aya ay ang kasalungatan ng karima-rimarim. Kapag inilarawan ng ganito si Allāh, tinutukoy rito na Siya ay pinawalang-kinalaman sa mga kakulangan, na binanal palayo sa mga depekto. Kapag naman inilarawan ng ganito ang tao, walang-pasubaling tinutukoy rito na siya ay ang nagpakahubad sa mga buktot sa mga kaasalan at mga pangit sa mga gawa at ang nagpakagayak ng mga kasalungatan niyon. Kapag naman inilarawan ng ganito ang mga yaman, tinutukoy rito ang pagiging ito ay ipinahihintulot kabilang sa mabubuti sa mga yaman.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

