ِAng pinakamabuti sa inyo ay ang salinlahi ko, pagkatapos ang mga sumusunod sa kanila, pagkatapos ang mga sumusunod sa kanila
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Imrān bin Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "ِAng pinakamabuti sa inyo ay ang salinlahi ko, pagkatapos ang mga sumusunod sa kanila, pagkatapos ang mga sumusunod sa kanila."} Nagsabi si `Imrān: {Hindi ako nakaaalam kung bumanggit ba ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos niyon ng dalawang salinlahi o tatlo? Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na matapos ninyo ay mga taong magtataksil at hindi pagkakatiwalaan. Sasaksi sila samantalang hindi sila pinasasaksi at mamamanata sila samantalang hindi sila tumutupad. Lilitaw sa kanila ang katabaan."}
Explanation
Benefits
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Nagtadhana ang ḥadīth na ito na ang mga Kasamahan ay higit na mainam kaysa sa mga Tagasunod at ang mga Tagasunod ay higit na mainam sa mga Sunod sa mga Tagasunod. Subalit ang kainamang ito ba ay sa kaugnayan sa total o mga individuwal? Isang punto ng pananaliksik. Sa ikalawa dumako ang mayoriya.
Ang pagtukoy sa pagkaobligado ng pagsunod sa landas ng tatlong unang salinlahi sapagkat tunay na dahil sa kalapitan ng panahon nito sa panahon ng pagkapropeta, ito ay marapat sa kainaman, kaalaman, pagkauliran, at pagtulad sa pagkapatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang panata ay ang pag-oobliga ng mukallaf (naatangan ng tungkulin) sa sarili niya ng isang pagtalimang hindi nag-oobliga sa kanya rito ang Tagapagbatas.
Ang pagpula sa kataksilan at kawalan ng pagtupad sa panata at ang pagkahumaling sa Mundo.
Ang pagpula sa pagsaksi nang walang pagpapasaksi kapag ang tagapagtaglay ng karapatan ay nakaaalam niyon. Hinggil naman sa kapag hindi siya nakaaalam, napaloloob siya sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa pinakamabuti sa mga saksi na nagdadala ng pagsaksi niya bago siya hinilingan nito?" Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

