Tunay na si Allāh ay nalulugod para sa inyo sa tatlo at nasusuklam para sa inyo sa tatlo
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nalulugod para sa inyo sa tatlo at nasusuklam para sa inyo sa tatlo sapagkat nalulugod Siya para sa inyo na sumamba kayo sa Kanya at hindi kayo magtambal sa Kanya at na mangunyapit kayo sa lubid ni Allāh nang lahatan at hindi kayo magkahati-hati at nasusuklam para sa inyo sa sabi-sabi, dami ng pagtatanong, at pagsasayang ng ari-arian."}
Explanation
Benefits
Ang pag-udyok sa pangungunyapit at paghawak sa lubid ni Allāh (napakataas Siya) dahil sa dulot nito na pagkakabuklod at pagkakatugma.
Ang paghimok sa bukluran, ang pag-uutos ng pananatili dito at pagpapaisa sa mga hanay nito, ang pagsaway laban sa kasalungatan nito na pagkakawatak-watak at pagkakaibahan.
Ang pagsaway laban sa kadalasan ng pagsasalita hinggil sa hindi pumapatungkol sa sarili dahil kung ito ay naging pinapayagan, dulot naman nito ang pagsasayang ng oras; at kung ito ay naging bawal, dulot naman nito ang pagdami ng mga kasalanan.
Ang pagwaksi sa pagtatalakay sa mga bali-balita ng mga tao , pagsubaybay sa mga kalagayan nila, at pagkukuwento ng mga sabi nila at mga gawa nila.
Ang pagsaway laban sa kadalasan ng panghihingi ng mga salapi sa mga tao.
Ang pagbabawal sa pagsasayang ng yaman at ang paghimok sa pagpapamalagi rito sa napakikinabangan.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

