Mangako kayo ng katapatan sa akin na hindi kayo magtambal kay Allāh ng anuman, hindi kayo magnakaw, hindi kayo mangalunya,
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Ubadāh bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya) noong siya ay nakasaksi [sa labanan] sa Badr noong siya ay isa sa mga pinuno nang gabi ng `Aqabah: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi habang sa paligid niya ay may isang pangkat ng mga Kasamahan niya: "Mangako kayo ng katapatan sa akin na hindi kayo magtambal kay Allāh ng anuman, hindi kayo magnakaw, hindi kayo mangalunya, hindi kayo pumatay ng mga anak ninyo, hindi kayo magdala ng isang kasiraang-puri na ginagawa-gawa ninyo sa pagitan ng mga kamay ninyo at mga paa ninyo, at hindi kayo sumuway sa isang nakabubuti. Ang sinumang tumupad kabilang sa inyo, ang pabuya sa kanya ay nasa kay Allāh. Ang sinumang nakagawa mula roon ng anuman saka pinarusahan sa Mundo, ito ay isang panakip-sala para sa kanya. Ang sinumang nakagawa mula roon ng anuman pagkatapos ay nagtakip sa kanya si Allāh, ito ay nasa kay Allāh. Kung niloob Niya, magpapaumanhin Siya rito; at kung niloob Niya, magpaparusa Siya rito." Kaya nangako kami ng katapatan sa kanya ayon doon.}
Explanation
Benefits
Nagsabi si As-Sindīy: Ang sabi niya: "sa isang nakabubuti": Hindi naikukubli na ang nauukol sa kanya sa kabuuan nito ay nakabubuti at hindi naisasaguniguni mula sa kanya ang kasalungatan niyon sapagkat ang sabi niya: "sa isang nakabubuti" ay para sa pagtawag-pansin sa kasanhian ng pagkakinakailangan ng pagtalima, sa pagiging walang pagtalima para sa nililikha sa hindi nakabubuti, at sa pagiging nararapat ang pagsasakundisyon ng pagtalima sa nakabubuti kaugnay sa pangako ng katapatan, nang hindi lubusan.
Nagsabi si Muḥammad bin Ismā`īl At-Taymīy at ang iba pa sa kanya: Itinangi ang pagpatay sa mga anak dahil ito ay pagpatay at pagputol ng ugnayang pangkaanak kaya naman ang pagmamalasakit sa pagsaway laban dito ay higit na binibigyang-diin at dahil ito noon ay kasiya-siya sa kanila, ang paglilibing nang buhay sa mga babaing anak at ang pagpatay sa mga lalaking anak dala ng takot sa paghihikahos; o itinangi sila sa pagbanggit dahil sila ay nasa pakay na hindi magtanggol sa mga sarili nila.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang pagkapangkalahatan ng ḥadīth na ito ay itinangi sa sabi Niya (napakataas Siya): {Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatawad na tambalan Siya} Ang murtadd, kapag pinatay dahil sa pagtalikod niya, ang pagpatay ay magkakaroon ng isang panakip-sala.
Nagsabi si Al-Qāḍī `Iyāḍ: Naniwala ang karamihan sa mga tagaalam na ang mga takdang parusa ay mga panakip-sala.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

