Ang sinumang nagsabi: Raḍītu bi-llāhi rabban, wa-bi-l'islāmi dīnan, wa-bi-muḥammadin rasūlā, (Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Sugo,) nagindapat para sa kanya ang Paraiso."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsabi: Raḍītu bi-llāhi rabban, wa-bi-l'islāmi dīnan, wa-bi-muḥammadin rasūlā, (Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Sugo,) nagindapat para sa kanya ang Paraiso."}
Explanation
Benefits
Ang pagkalugod kay Allāh bilang Panginoon ay naglalaman ng utos na huwag sumamba ang tao sa iba pa sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya).
Ang pagkalugod kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang Propeta at bilang Sugo ay naglalaman ng utos ng pagtalima sa kanya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) at pagpapaakay sa Sunnah niya.
Ang pagkalugod sa Islām bilang Relihiyon ay bilang pagkalugod sa pinili ni Allāh para sa mga lingkod Niya.
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsabi ng panalanging ito sa sandali ng dalawang pagsaksi dahil sa pagkarinig ng adhān gaya ng nasaad sa mga iba pang salaysay.
Nasaad sa iba pang ḥadīth ang pagsasakaibig-ibig ng panalanging ito sa umaga at gabi.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

