Ang sinumang nagsabi ng: "Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd. Wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.)" sa isang araw nang isang daang ulit,
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsabi ng: "Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd. Wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.)" sa isang araw nang isang daang ulit, may magiging ukol sa kanya na katumbas ng sampung pagpapalaya ng alipin, may itatala para sa kanya na isang daang magandang gawa, may buburahin sa kanya na isang daang masagwang gawa, may magiging ukol sa kanya na isang pananggalang laban sa demonyo sa araw niyang iyon hanggang sa gumabi. Walang nakagawang isa man ng higit na mainam kaysa inihatid nito kundi isang gumawa ng higit na marami kaysa roon."}
Explanation
Benefits
Ang lawak ng kabutihang-loob ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa mga lingkod Niya sa punto na nagsabatas Siya para sa kanila ng dhikr na pinagaan para sa bawat isa nairesulta rito ang masaganang gantimpala.
Kung sakaling nagsabi siya ng tahlīl§ na ito nang higit sa isang daang ulit sa isang araw, magiging ukol sa kanya itong pabuyang nabanggit sa ḥadīth dahil sa isang daan. Magkakaroon siya ng iba pang gantimpala dahil sa pagkadagdag. Ito ay hindi kabilang sa mga hangganan na sinaway ang paglabag dito at ang paglampas sa mga bilang nito, ang pagkadagdag niyon ay walang kainaman doon o nagpapawalang-saysay roon.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang hayag sa pagkakatukoy ng ḥadīth ay na magtatamo nitong pabuyang nabanggit sa ḥadīth na ito ang sinumang nagsabi ng tahlīl na ito nang isang daang ulit sa araw niya, maging nagsabi man siya nito nang nagkakasunud-sunuran o nang nagkakahiwa-hiwalay sa mga pagkakataon o ng ilan sa mga ito sa simula ng maghapon at ng ilan sa mga ito sa wakas niyon subalit ang pinakamainam ay na magsagawa siya ng mga ito nang nagkakasunud-sunuran sa simula ng maghapon upang ito ay maging isang pananggalang para sa kanya sa buong maghapon niya.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

