O Bilāl, magsanaysay ka sa akin ng pinakamagantimpalang gawaing ginawa mo sa Islām
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi kay Bilāl sa sandali ng ṣalāh sa madaling-araw: "O Bilāl, magsanaysay ka sa akin ng pinakamagantimpalang gawaing ginawa mo sa Islām sapagkat tunay na ako ay nakarinig ng yabag ng sandalyas mo sa harap ko sa Paraiso." Nagsabi ito: "Ang ginagawa kong isang gawaing pinakamagantimpala sa ganang akin ay na ako ay hindi nagpapakadalisay ng isang pagdalisay sa isang oras sa isang gabi o isang maghapon malibang nagdarasal ako dahil sa pagkadalisay na iyon ng naitakda sa akin na dasalin ko."}
Explanation
Benefits
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagdarasal matapos ng pagkasagawa ng wuḍū'.
Ang pagtatanong ng tinutularan o tagapagturo tungkol sa gawain ng estudyante niya upang mag-udyok dito sa pagpapakatatag doon kung iyon ay maganda at kung hindi naman ay ang pagsaway rito.
Isang pagsaksi mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Bilāl (malugod si Allāh sa kanya) na ito ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso.
Ang tanong na ito ay noong ṣalāh sa madaling-araw. Dito ay may isang pahiwatig na iyon ay naganap dahil sa pagkakita sa isang panaginip ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang mga panaginip ng mga propeta ay totoo.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

