Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, bumati siya sa Propeta at magsabi siya ng: Allāhumma -ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo)
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, bumati siya sa Propeta at magsabi siya ng: Allāhumma -ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kapag lumabas siya, bumati siya sa Propeta at magsabi siya ng: Allāhumma -`ṣimnī mina -shshatyān -rrajīm (O Allāh, magsanggalang Ka sa akin laban sa demonyong kasumpa-sumpa). Kapag lumabas siya, bumati siya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at magsabi siya ng: Allāhumma -ajirnī mina -shshayṭān -rrajīm (O Allāh, magkalinga Ka sa akin laban sa demonyong kasumpa-sumpa)."}
Explanation
Benefits
Ang dhikr ay pangkalahatan sa lahat ng mga masjid, pati na sa Masjid na Pinakababanal.
Ang pagtatangi ng pagbanggit ng awa sa pagpasok at pagsasanggalang sa demonyo sa paglabas ay na ang pumapasok [sa masjid] ay nagsasamantala sa nagpapalapit sa kanya kay Allāh at sa Paraiso Nito kaya nababagay na bumanggit siya ng awa. Kapag naman lumabas siya, tunay na siya ay tumatahak sa Mundo kalakip ng narito na mga tagapagpalingat at mga tagapag-abala kaya nababagay na humiling siya kay Allāh ng pangangalaga at pag-iingat laban sa demonyo.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

