{Ang Sugo ni Allāh ay napaliliguan noon ng isang ṣā` ng tubig mula sa janāba at napagsasagawaan ng wuḍū' ng isang mudd.}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Safīnah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh ay napaliliguan noon ng isang ṣā` ng tubig mula sa janāba at napagsasagawaan ng wuḍū' ng isang mudd.}
Explanation
Benefits
Ang pagsasakaibig-big ng pagtitipid sa tubig ng wuḍū' at paligo ayon sa sukat ng pangangailangan at na ito ay ang patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang pinapakay ay ang pagkalubos sa wuḍū' at paligo kasabay ng pagsasaalang-alang sa mga sunnah at mga etiketa nang walang pagsasayang at walang pagkukuripot. Isasaalang-alang ang oras, ang dami ng tubig, ang kakauntian nito, at iba pa rito.
Itinataguri ang janābah sa bawat sinumang nagpalabas ng punlay o nakipagtalik. Tinawag ito bilang gayon dahil sa pag-iwas ng tagapagtaglay nito sa ṣalāh at mga pagsamba hanggang sa madalisay siya mula rito.
Ang ṣā` ay isang takalang kilala. Ang tinutukoy rito ay ang ṣā` na pampropeta. Umaabot ang timbang nito sa 480 mithqāl ng mahusay na trigo at sa litro ay katumbas ng 3 litro.
Ang mudd ay isang legal na Islāmikong yunit ng pagtakal. Ito ay isang pagkapuno ng dalawang kamay ng taong katamtaman kapag pumuno siya ng dalawang ito at nagdaop siya ng mga kamay nito. Ang isang mudd ay 1/4 ng isang ṣā` ayon sa pagkakasang-ayon ng mga faqīh. Ang sukat nito ay 3/4 litro.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

