{Ang mga susi ng Nakalingid ay lima
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: {Ang mga susi ng Nakalingid ay lima: {Tunay na si Allāh ay may taglay ng kaalaman sa Huling Sandali. Nagbababa Siya ng ulan at nakaaalam Siya sa anumang nasa mga sinapupunan. Hindi nababatid ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan at hindi nababatid ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.}(Qur'ān 31:34)}
Explanation
Benefits
Nagsabi si As-Sindīy: [Hinggil sa] sabi niyang: {Ang mga susi ng Nakalingid ay lima}, tinawag ang limang ito bilang mga susi ng Nakalingid dahil ang sinumang nasa kanya ang limang ito, nasa kanya ang Nakalingid sa kabuuan nito. Kaya para bang ang mga ito ay naging kabilang sa ipinambubukas sa mga imbakan ng Nakalingid.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Nagsabi si Ibnu Abī Jamrah: Nagpahayag siya sa pamamagitan ng mga susi para sa pagpapalapit ng usapin sa nakarinig dahil ang bawat bagay na nilagyan sa pagitan mo at nito ng isang tabing ay inilingid nga sa iyo. Ang pag-abot sa pagkaalam nito sa nakahiratian ay mula sa pinto. Kaya kapag isinara ang pinto, mangangailangan ng susi. Kaya kapag ang bagay na hindi nakababatid sa Nakalingid kundi sa pamamagitan ng pagpapaabot sa kanya ay hindi nakaaalam sa kinalalagyan nito, papaanong malalaman ang nakalingid?
Nagsabi pa si Ibnu Abī Jamrah: Ang kasanhian ng paggawa sa mga ito bilang lima ay ang pagpapahiwatig sa paglimita sa mga daigdig sa mga ito.
Maaaring maglantad si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ng ilan sa Nakalingid sa mga sugo dahil sa isang kasanhian mula sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya).
Ang pagpapabula sa mga pagsisinu-sinungaling ng mga astrologo at mga manghuhula sa pagsasagawa nila ng pagtamo ng kaalaman sa Nakalingid at na ang sinumang nag-angkin ng kaalaman sa isang bagay kabilang sa anumang namukod-tangi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa kaalaman niyon ay nagpasinungaling nga kay Allāh (napakataas Siya), sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), at sa Marangal na Qur'ān.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

