{Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagbaba ng: {Ang sinumang hindi humatol ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya.}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), [ayon sa tagasalaysay] na nagsabi: {Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagbaba ng: {Ang sinumang hindi humatol ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya.} (Qur'ān 5:44), {... ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.} (Qur'ān 5:45), at {... ang mga iyon ay ang mga suwail.} (Qur'ān 5:47). Nagsabi [ang tagasalaysay]: Nagsabi ang Anak ni `Abbās: "Nagpababa ng mga ito si Allāh kaugnay sa dalawang pangkatin kabilang sa mga Hudyo. Ang isa sa dalawang ito noon ay lumupig sa isa pa sa Panahon ng Kamangmangan hanggang sa nagkalugud-lugod sila at nagkasundu-sundo sila na ang bawat napatay na pinatay ng minamataas na pangkatin mula sa minamababang pangkatin ay may bayad-pinsala na limampung wasq at ang bawat napatay na pinatay ng minamababang pangkatin mula sa minamataas na pangkatin ay may bayad-pinsala na isandaang wasq. Sila noon ay ayon doon hanggang sa dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah. Naaba ang dalawang pangkatin – ang kapwa dalawang ito – dahil sa pagkadating ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong araw na iyon ay hindi pa nangibabaw at hindi pa nanaig sa dalawang ito, habang siya ay nasa pakikipagpayapaan pa, nang nakapatay naman ang minamababang pangkatin ng isang napatay mula sa minamataas na pangkatin. Kaya nagpamensahe ang minamataas na pangkatin sa minamababang pangkatin: "Magpadala kayo sa amin ng isandaang wasq [bilang bayad-pinsala]." Nagsabi naman ang minamababang pangkatin: "Nangyari na kaya ito sa dalawang nayon kailanman, na ang relihiyon ng dalawa ay iisa, ang kaangkanan ng dalawa ay iisa, at ang bayan ng dalawa ay iisa, na ang bayad-pinsala ng ilan sa kanila ay kalahati ng bayad-pinsala ng iba pa? Tunay na kami ay nagbigay lamang sa inyo nito dahil sa isang pang-aapi mula sa inyo sa amin at dahil sa isang pagkatakot sa inyo. Ngunit noong dumating na si Muḥammad, hindi na kami magbibigay sa inyo niyon." Kaya halos ang digmaan ay napukaw sa pagitan ng dalawang pangkatin. Pagkatapos nagkalugud-lugod sila na magtalaga sila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang tagapagpasya sa pagitan nila. Pagkatapos nag-isip ang minamataas na pangkatin saka nagsabi ito [sa isa't isa]: "Sumpa man kay Allāh, hindi si Muḥammad magbibigay sa inyo mula sa kanila ng doble ng ibibigay niya sa kanila mula sa inyo." – talaga ngang nagsabi sila ng totoo – "Hindi sila nagbigay sa atin nito kundi dahil sa isang pang-aapi mula sa atin at dahil sa isang paglupig sa kanila. Kaya magpapuslit kayo papunta kay Muḥammad ng sinumang magpapabatid para sa inyo ng pananaw niya. Kung magbibigay siya ng ninanais ninyo, pahatulin ninyo siya; at kung hindi siya magbibigay sa inyo, mag-ingat kayo at huwag ninyo siyang pahatulin." Kaya nagpapuslit sila papunta sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga taong kabilang sa mga mapagpaimbabaw upang magpabatid sa kanila ng pananaw ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Noong dumating iyon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagpabatid si Allāh sa Sugo Nito hinggil sa nauukol sa kanila sa kabuuan nito at ninanais nila. Kaya nagpababa si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) [ng sabi Niya]: {O Sugo, huwag magpalungkot sa iyo ang mga nagmamabilis sa kawalang-pananampalataya kabilang sa mga nagsabi: "Sumampalataya kami," ...} (Qur'ān 5:41) hanggang sa sabi Niya: {... Ang sinumang hindi humatol ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga suwail.} (Qur'ān 5:47) Pagkatapos nagsabi pa [ang Anak ni `Abbās] kaugnay sa dalawang [pangkating] ito: "Bumaba ito at sa dalawang iyon tumukoy si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}
Explanation
Benefits
Ang pagpapakana ng mga Hudyo at ang kawalang-katarungan nila pati sa mga sarili nila.
Ang pagpapabatid ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na ang mga Hudyo ay pag-uukulan ng kahihiyan sa Mundo at mabigat na pagdurusa sa Kabilang-buhay.
Ang kawalan ng paghatol ayon sa pinababa ni Allāh at ang kawalan ng pagkalugod sa hatol ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang patunay sa kawalang-pananampalataya, kawalang-katarungan, at kasuwailan.
Ang panganib ng mga mapagpaimbabaw at ang pakikipagtulungan nila sa mga Hudyo.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

