Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ito ay talagang nakatutumbas sa isang katlo ng Qur'ān."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May isang lalaking nakarinig ng isang lalaking bumibigkas ng (Qur'ān 112): {Qul huwa -llāh aḥad, ... (1. Sabihin mo: "Siyang si Allāh ay Kaisa-isa. ...)}, na nag-uulit-ulit nito. Noong kinaumagahan, pumunta ito sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka bumanggit ito niyon sa kanya. Para bang ang lalaki ay nagmamaliit niyon, kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ito ay talagang nakatutumbas sa isang katlo ng Qur'ān."}
Explanation
Benefits
Ang pagpayag sa pagbigkas sa pagdarasal sa gabi (qiyāmullayl) kahit pa man ng madali sa mga āyah, pag-uulit-ulit sa mga ito, at hindi pagmamaliit niyon.
Nagsabi si Al-Māzirīy: Sinabi: Ang kahulugan nito ay na ang Qur'ān ay nasa tatlong aspeto: mga kasaysayan, mga patakaran, at mga katangian ni Allāh (napakataas Siya). Ang (Qur'ān 112): {Qul huwa -llāh aḥad, ... (1. Sabihin mo: "Siyang si Allāh ay Kaisa-isa. ...)} ay dinalisay, ibig sabihin, para sa mga katangian ni Allāh. Ito ay isang katlo: isang bahagi mula sa tatlong bahagi. Sinasabi: Ang kahulugan nito na ang gantimpala ng pagbigkas nito ay nag-iibayo ayon sa sukat ng gantimpala ng pagbigkas ng isang katlo ng Qur'ān nang walang pagpapaibayo.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

