HadeethEnc · 1.49.0
Pansinin, tunay na ang bawat isa sa inyo ay nakikipagniig sa Panginoon niya. Kaya huwag ngang mamerhuwisyo ang iba sa inyo sa iba
Available translations
Choose an available translation of this Hadeeth
01
Hadeeth text
Ayon kay Abū Sa`īd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsagawa ng i`tikāf ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa masjid saka nakarinig siya sa kanila na nagpapalakas ng pagbigkas kaya hinawi niya ang pantakip saka nagsabi: "Pansinin, tunay na ang bawat isa sa inyo ay nakikipagniig sa Panginoon niya. Kaya huwag ngang mamerhuwisyo ang iba sa inyo sa iba at huwag mag-angat ang iba sa inyo higit sa iba sa pagbigkas." o nagsabi siya: "... sa pagdarasal."}
02
Explanation
Ang Propeta minsan (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nanatili, na nagsasagawa ng i`tikāf sa kubol sa loob ng masjid niya para sa pagpapakalapit-loob kay Allāh. Nakarinig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya na nagpapalakas ng pagbigkas ng Qur'ān nang pagpapalakas na matinding napeperhuwisyo dahil dito ang isa't isa sa kanila. Kaya hinawi niya ang pantakip sa kubol, sinisi niya ang gumawa niyon, at pinagsabihan niya ito saka nagsabi: "Tunay na ang lahat sa inyo ay nakikipagniig sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagbigkas ng Qur'ān. Kaya huwag ngang mamerhuwisyo ang iba sa inyo sa iba at huwag mag-angat ang iba sa inyo ng tinig niya higit sa iba sa pagbigkas o sa pagdarasal."
03
Benefits
Ang pagsaway laban sa pag-angat ng tinig sa pagbigkas ng Qur'ān kapag dito ay may perhuwisyo sa isa pa.
Ang pagtuturo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya ng mga etiketa ng pagbigkas ng Qur'ān.
Ang pagtuturo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya ng mga etiketa ng pagbigkas ng Qur'ān.
Attribution
[Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud]
Categories
Share
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

