Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay hindi natutulog at hindi nararapat para sa Kanya na matulog
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tumayo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang may limang pangungusap sapagkat nagsabi siya: "Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay hindi natutulog at hindi nararapat para sa Kanya na matulog. Nagbababa Siya ng timbangan at nag-aangat Siya nito. Inaangat sa Kanya ang ginawa sa gabi bago ng ginawa sa maghapon at ang ginawa sa maghapon bago ng ginawa sa gabi. Ang tabing Niya ay ang liwanag." – sa isang salaysay: "ang apoy" – "Kung sakaling humawi Siya nito, talagang sumunog sana ang mga kaluwalhatian ng mukha Niya sa anumang pinagwakasan ng paningin Niya mula sa nilikha Niya."}
Explanation
Benefits
Si Allāh ay nagpaparangal sa sinumang niloloob Niya at nang-aaba sa sinumang niloloob Niya, at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya at nagpapaligaw sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya.
Ang mga gawa ay inaangat kay Allāh sa bawat araw at sa bawat gabi. Sa gayon ay may isang paghimok sa mga tao na magsaalang-alang sila kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa gabi nila at maghapon nila.
Ang ḥadīth ay nagpapatunay sa katarungan ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) at kagandahan ng pangangasiwa Niya sa mga nauukol sa nilikha Niya. Walang duda na ito ay kabilang sa mga katangian ng kakumpletuhan Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Ang pagpapatibay sa tabing para sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya), ang liwanag na tagaharang sa pagitan Niya at ng nilikha Niya at kung hindi dahil dito ay talagang nasunog sana sila.
Nagsabi si Al-Ājurrīy: Tunay na ang mga alagad ng katotohanan ay naglalarawan kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ng ipinanlarawan Niya sa sarili Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), ng ipinanlarawan ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), at ng ipinanlarawan ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila). Ito ay ang doktrina ng mga maalam kabilang sa mga sumunod at hindi gumawa ng bid`ah." Kaya ang mga alagad ng Sunnah ay nagpapatibay para kay Allāh ng pinagtibay Niya para sa sarili Niya na mga pangalan at mga katangian nang walang taḥrīf (pagpapalihis ng kahulugan), walang ta'til (pagsira sa kahulugan nito), walang takyīf (pagdedetalye ng kahulugan), at walang tamthīl (paghahalintulad ng kahulugan). Nagkakaila sila para kay Allāh ng ikinaila Niya para sa sarili Niya. Nananahimik sila sa anumang walang naisaad hinggil doon na isang pagkakaila ni isang pagpapatibay. Nagsabi si Allāh (Qur'ān 42:11): {Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.}
Ang liwanag na siyang paglalarawan Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay iba sa liwanag na ipinantabing Niya. Ang liwanag na ipinantabing Niya ay isang liwanag na nilikha sapagkat ang liwanag ni Allāh (napakataas Siya) ay isang liwanag na naaangkop sa Kanya at sa sarili Niya. Walang katulad sa Kanya na anuman. Ang nakita ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay walang iba kundi ang tabing na magiging nasa pagitan ni Allāh at ng mga lingkod Niya.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

